ANG GOLDEN RICE AT BT TALONG

KAMAKAILAN ay ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang paggamit ng genetically modified organism (GMO) na nagpo-produce ng BT talong at golden rice.

Sa paliwanag ni UP Emeritus Prof. Dr. Eufemio Rasco Jr., ang GMO ay isang binhi na na-produce dahil sa makabagong teknolohiya at kabilang sa napo-produce nito ay ang BT Talong at Golden Rice.

Ang BT rice ang nakikitang solusyon ng mga siyentipiko mula sa Department of Science and Technology (DOST) na sagot sa problema ng mga magsasaka dahil hindi na kailangan pang gumamit ng pesticide habang maaaring tumaas ang produksiyon at makapagbebenta ng marami sa merkado.

Habang ang golden rice naman ay solusyon sa problema ng bansa sa bigas, konsyumer at kalusugan ng mga kabataan dahil mayaman ito sa Vitamin A.

Dahil ligtas na kainin ang BT talong at golden rice, mapalalakas nito ang food security na pangarap ng mga opisyal ng pamahalaan.

Makatutulong din ito sa mga magsasaka dahil maraming aanihin bukod pa sa hindi na kailangang umangkat ng bigas.

Ngunit lumabo ang pag-asa na pabor sa GMO nang tanggihan ito ng CA sa pangambang may kinalaman sa siyensiya at makasira sa ecosystem ng basa.

Paglilinaw ng mga siyentista, hindi na bago ang GMO dahil 20 taon na itong naipakilala sa mga Pilipino at maging sa mundo.

Ito ay ligtas kainin at mayaman sa bitamina A.

Nagbabala rin si Dr.Rasco laban sa dulot ng Vit A deficiency na maaaring mabulag at magkaroon ng mahinang utak kaya upang maiwasan ito, ang golden rice ang solusyon.

Subalit dapat ding timbangin ang katuwiran ng CA na makasisira ito sa ecosystem.

Sana ay magkita sa gitna ang magkabilang panig para sa win-win solution.