ANG GULONG NG PALAD NI RONALD CORVEAU AT MARIANNE DE LA RIVA

Kung batang 60s kayo, pi­hadong nata­tandaan ninyo si Ro­nald Maquilan Cor­veau, isang dating aktor na gumanap na Carding Medel noong 1977 sa TV series na Gulong ng Palad. Gumanap din siya sa ilang pelikula tulad ng Beerhouse (1977), Mahal Kong Taksil (1979), Biktima (1980), Gabriela (1989), at sa award-winning Atsay (1978) kapareha ni Nora Aunor, ngunit mas nakilala siya sa Gulong ng Palad.

Nagpakasal sila at nagkaanak ng dalawang babae ng kan­yang co-star na si Marianne dela Riva, isa sa pinakamagandang mukha sa Philippine movies. Anak nila sina Ella at Louie. Nanirahan siya sa United States at naging drilling contractor sa Montana. Hiwalay na sila ngayon ni Marianne, kung saan inakusahan pa ang babae ng pangangaliwa.

Nakabase rin si Marianne sa U.S., at kuntento raw naman siya sa kanyang pamumuhay sa New Jersey, na malayo sa kinang ng daigdig ng pinilakang tabing. May bago na rin siyang asawa at may sarili na ring mga pamilya ang kanyang mga anak na sina Ella at Louie. Ayon kay Marianne, okay lang siya at masaya at nag-asawa na siya uli. Remember, may divorce sa US. Gayunman, naroon pa rin ang tatak ng pagiging taksil.

Ngunit may isang insidente, noong hindi pa sila naghihiwalay, kung saan sinampal ni Corveau si Marianne sa harap ng napakaraming tao at ng kanyang mga anak sa hindi malamang dahilan. Iyon ay noong panahong hindi pa nababalita ang pangangaliwa “raw” ni Marianne. Naging sanhi iyon ng sobrang pagkapahiya at trauma sa parte ni Marianne.

Isipin na lamang natin — kung kayang saktan ni Corveau ang kanyang asawa sa harap ng publiko, malay ba natin kung ano ang nangyayari sa likod ng nakasarang pinto ng kanilang tahanan. Ang ibig ko lang sabihin, “a woman can only take so much.” Baka may nangyayari sa kanilang hindi natin alam. Kung kaya ni Corveau ang ganoong blatant display of domestic violence, baka mas malala pa sa loob ng kanilang bahay. Siguro nga, mas mabuti na lamang na maghiwalay sila kesa magkamatayan pa.

Who knows what happened behind close doors with such blatant display of domestic violence.

Kaye VN Martin