ANG HALIK NG PANGULO

rey briones

Stupid, Suki!

Kaya naman ay sobrang bobo!

‘Yan ang maitatawag ko sa sinumang nagbigay ng malisya sa halik ng pangulo ng republika sa kanyang OFW sa South Korea.

Suki, habang tuwang-tuwa sa kilig ang lahi ni Juan sa nakitang pagdampi ng pagmamahal ni Boss Digong sa kanyang kababayan ay ilang ipokrita sa sariling bayan ang hindi lang nagtaas ng kilay.

Nanlait pa sa ginawa ng presidente.

Dahil labag umano sa magandang asal.

Tanong: Bakit, paano ‘yon naging malaswa, ha, mga hunghang?

Suki, kung ginawa ni Boss Digong ang paghalik sa labi ng isang hindi na dalagang Filipina  sa tagong lugar, halimbawa’y sa madilim na bahagi sa likod ng entablado, ay tiyak ‘yon na malaswa.

Kasi, posibol na may malisya.

Pero, naman, naman, Suki… ang pagdampi  ng pangulo ng ‘ismak’ ay sa harap ng madlang pipol at sa milyong nanonood niyang kalahi sa loob at labas ng Filipinas.

Para pakiligin ang manonood.

Aber, saan ang malisya roon, ha?

Naalaala mo ba, Suki, ang sinabi ni Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat?

“The president is just playful.”

Iyon ‘yon, Suki, ha-ha-ha!

oOo

Mas karimarimarim, Suki, ‘yong mga naglilinis-linisan sa panlabas na anyo.

Pero sobra ang kulo sa loob.

Taga-gobyerno man, o ‘yong mga pa-demure sa pribadong tanggapan.

Sila ‘yong mahinhin kumilos at sobrang tipid sa salita… at “nag-eeeeew” sa green jokes.

‘Wag ka agad magtiwala sa kanila, Suki.

Kasi, matinding kumiskis ang mga ‘yan kapag sa madilim na lugar ang eksena.

Gaya ng ilang ipokritang basta na lamang humambalos kay Boss Digong nang hindi muna inalam ang puno’t dulo ng nangyari.

Kaya naman ay batid nilang walang malisya ang nangyaring pag-ismak ng pangulo sa labi ng kanyang kababayan… pero nagpapapansin pa rin.

Marahil naiinggit.

O sadyang may intensiyong bigyan ng masamang kahulugan ang lahat ng ginawa ng pangulo.

Comments are closed.