ANG HAMON NI VP LENI AT KIKO

rey briones

NAGPUPUTAK si Vice Leni, Suki.

Nagbanta pa na parang batang isinali sa patintero… tapos inalis dahil “the way her mouth behaves is not inspiring.”

Sabi n’ya, Suki:

“Kung inakala n’yong tapos na ito’y nagkamali kayo… nag-uumpisa pa lang ako… isusumbong ko kayo… at lahat ng nalalaman ko ay isisiwalat ko… hindi n’yo ako kilala.”

Hala! lumabas ang tapang ni Vice Leni.

Na hinugot sa pagkasibak bilang co-chair ng grupong namamahala sa giyera laban sa droga.

Ano kaya ang isisiwalat n’ya, Suki?

Abangan natin.

At panoorin na parang katipunerang kulelat na nakalubog nang bahagya sa isang kumunoy.

Na habang gumagalaw o pumipiglas na makaahon ay lalong nababaon.

oOo

Aydol kong tunay itong si Vice Leni. Sa katunayan ay siya ang ibinoto ko noong 2016.

Noon ‘yon, Suki.

Noong hindi ko pa siya kilalang lubusan.

Ganun naman tayo, ‘di ba?

Madaling marahuyo sa mga pa-kyut na pahayag ng isang baguhang politiko.

Lalo na’t ‘pag-umeksena sa mga laylayan ng lipunan na may pormang mother image.

Eh, nitong mga nagdaang araw, Suki. ay nasubaybayan ko ang kanyang istayl na hindi naman bulok nang i-appoint siya sa ICAD.

Aba’y rumatsada.

‘Di ako diehard sa administrasyong Duterte, pero sablay talaga ang atityud ng dati kong aydol.

Para sa akin ay tama ang tagapagsalita ng pangulo na tunog arogante ‘yong hamunin mo ang nag-appoint sa iyo.

Heto, basahin:

“Diretso akong kausap kaya sabihin mo sa akin nang diretsahan kung ayaw mo na sa akin… kung nagkamali ka sa pag-appoint sa akin.”

Ayoooos!

Kinargahan pa, Suki, ng kanyang talentadong adviser na si Sen. Kiko:

“Tanggalin mo na si VP Leni kung ayaw mo na… kung wala kang tiwala sa kanya.”

Suki, pinagbigyan lang ng presidente ang hamon sa kanya nu’ng dalawang astig sa Liberal Party.

Para sa akin, Suki, ay puwede namang hamunin ang presidente nang hindi paarogante.

‘Yun lang!

Comments are closed.