ANG HEALTH BENEFITS KAPAG TAYO AY NAG-DONATE NG DUGO

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

Ang Pagdodonate ng ating Dugo ay mayroong benepisyo hindi lamang sa mga nangangailangan nito kundi pati na rin sa Donor. Bukod sa ito ay nakakasagip ng buhay ng isang tao, ito ay nakakapagbigay din ng pag-asa sa isang taong may sakit.

Sa bisa ng Republic Act 7719 “National Blood Service Act of 1994”, ang Voluntary Blood donation ay pinagtibay ng ating pama­ha­laan upang ang Blood Unit pool ay maging sapat para sa mga nanga­ngailangan, isinaad din dito na ang Blood donation ay isang Humanita­rian Act. Nuong 2020 ang collection ng Dona­ted blood ay bumaba ng 22.8 % kumpara nuong 2019, ito ay maaring dulot ng Covid-19 Pandemic kung saan ang oportunidad ng tao upang makapag-donate ay nabawasan dahil na rin sa Community Quarantine Categories na ini-implement sa buong bansa.  Ang National Voluntary Blood Services Program ng Department Of Health ang nag-reregulate ng voluntary blood donation sa Pilipinas, ang Philippine Red Cross naman ang isa sa mga institution na masigasig na gumagawa ng Blood Donation Drive sa Pilipinas.

Ano nga ba ang Health Benefits ng isang taong nag-donate ng Dugo?

  1. Ang isang taong magdo-donate ng dugo ay magkakaroon ng pribilehiyo na magkaroon ng free Medical Check-up at mga laboratory tests bilang isa sa Pre-Blood Donation Protocol. Ilan sa mga Screening test na makukuhang libre ng isang Blood Donor ay ang mga sumusunod: Blood type, Hepatitis B Surface Antigen Test, Hepatitis C Virus Antibody, Hepatitis C Virus Antigen, HIV 1 and HIV2 Antibody test and Antigen Test, HIV, Hepatitis C Virus and Hepatitis B Virus Nucleic Acid Amplification Amplification testing.
  2. Ang pag-do­nate ng dugo at least once a year ay nakakapagpababa ng risk ng Heart Attack ng at least 88 percent (American Journal of Epidemio­logy)
  3. Ang pag-dodonate ng dugo ay nakakatulong upang ang ating Liver ay maging Healthy. May isang research na nakitaan ng pag-baba ng risk ng Non Alcoholic Fatty Liver Disease kapag ang iron content ng dugo ay na-reregulate ng maayos.
  4. Ang Blood Donation ay nakakatulong sa Mental State ng isang tao.
  5. Ang Pag-donate ng Dugo ay nagpapababa ng risk ng Cancer. Ayon sa isang study na published sa National Cancer Institute ang pag-reduce ng Iron sa dugo ay nagdudulot ng lower risk ng cancer at morta­lity sa mayroon nito.
  6. Ang pag-dodonate ng dugo ay nakakapag-renew ng dugo ng isang donor. Matapos ang ilang araw ng pag dodonate ng dugo ang ating katawan ay gumagawa ng paraan upang ma-replenish ang nawalang dugo.
  7. Ang pag-dodonate ng dugo ay nakakapag-balanse ng timbang. Ang blood donation ay mayroong direct effect sa ating metabolism. Ayon sa isang pag aaral, 650 calories ang ating nabu-burn tuwing tayo ay nag dodonate ng dugo.

 

Kapag mayroong katanungan maaaring mag-email sa samuelzacate@yahoo.com o mag-like at mag-comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem – 995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *