ANG HOUSE BILL NO. 8672 NI CONG. YAMSUAN AT ANG ANGONO BILANG MAPAYAPANG BAYAN

HINDI pa tapos ang isyu sa New Bilibid Prison (NBP) at iba pa.

Kaya dahil sa lapses sa pamamahala sa ilang piitan, isinusulong ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan ang pagtatayo ng Department of Corrections.

Layon daw nitong i-rightsize ang sistema ng jail management sa bansa at tiyakin na maayos na nagagamit ang resources ng gobyerno sa pagpapatakbo ng mga penal at reformation facilities.

Sinasabing ito’y kasunod ng “misconception” na dagdag-gastusin lang daw sa panig ng gobyerno.

Napag-alaman na target ng panukala ni Yamsuan na makamit ang “greater efficiency and accountability” sa pangangasiwa ng mga kulungan.

Batay sa House Bill 8672, binanggit na ang lilikhaing Department of Correction and Jail Management ay siyang magpapatakbo sa lahat ng kawanihan at opisina na namamahala ng penal at reformation programs para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Paliwanag ng masipag na solon, ang rightsizing sa burukrasya ay hindi lamang para tapyasan o buwagin ang mga opisina kundi ito’y para i-restructure at paghusayin ang performance ng mga ito.

Samantala, hindi lang umuunlad ang bayan ng Angono sa Rizal kundi idineklara rin ito bilang isang mapayapang bayan o peaceful municipality sa buong lalawigan.

Kung hindi ako nagkakamali, nagkaroon na ng signing ng Memorandum of Understanding (MOU) at Declaration of Stable and Internal Peace Security (SIPS) nitong Agosto 16, 2023 sa Municipal Gymnasium.

Nangangahulugan lamang ito na maganda ang tinatatahak ng mga programa ng Angono LGU na pinamumunuan ni Mayor Jeri Mae Calderon, katuwang ang Municipal Task Force to End Local Armed Conflict (MTF-ELCAC).

Ayon kay Lt. Col. Erwin Comendador ng Phil. Army, ang pagdeklara bilang isang ‘insurgency-free’ sa bayan ng Angono ay simula ng isang malaking hakbang tungo sa mapayapa at maunlad na kinabukasan.

Sabi nga ni Comendador, aba’y hindi lang hindi lang ang Angono ang susulong at makikinabang dito kundi ang buong lalawigan ng Rizal.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!