ANG KANIN, BOW!

KANIN

ANG bigas ay buto ng damong kung tawagin ay Oryza sativa (Asian rice) o Oryza glaberrima (African rice). Ito ang kinikilalang pinakaunang pagkaing nakilala ng tao, na kinakain pa rin hangga ngayon. Ayon sa mga archaeologists, kinakain na ito noong pa lamang 5000 BC. May tatlong uti nito – ang short, medium at long.

Pinaniniwalaang una itong itinanim sa Yangtze River valley ng China.

Dati itong damo lamang na tinatawag na wild rice at ginagamit sa species ng genera Zizania at Porteresia, na parehong damong ligaw lamang na ginawang domesticated.

Bilang cereal grain, ang domesticated rice ay kinakain at kinikilalang  staple food sa halos kalahati ng populasyon ng mundo, lalo na sa Asia at Africa.

Ito at isang agricultural commodity na ikatlong may pinakamataas na worldwide production, kung saan nangunguna ang tubo at mais.

Bigas ang pinakamahalagang food crop kung ang pag-uusapan ay human nutrition at caloric intake, kung saan mahigit one-fifth ng nakukunsumong calories ng tao sa buong mundo ay mula dito.  SHANIA KATRINA MARTIN