Ang kape … bow!

Sinasabi ng magagaling na siyentipiko sa buong mundo na superfood raw ang kape. Nagulat kayo, ano?

Yes, at bukod pa diyan, nakagagamot pa ito dahil meron itong antioxidant compound na makikita sa mga prutas at guilay. Heller, berry ang kape kaya fruit din ito. Natural lang na kung anong meron ang karaniwang prutas, meron din ito, na kayang labanan ang heart disease, cancers, diabetes, at obesity, apat na malalaking health problems sa Pilipinas.

May caffeine ang kape, syempre naman, at ang metabolites theobromine at xanthine nito ay may antioxidant properties – hindi nga lang tulad ng glutathione na nakakapagpaputi. Ayon sa pag-aaral, ang antioxidants ay nakakapagpahilom ng sugat, hindi lamang sa balat kundi maging sa mga internal organs. Binabawasan nito ang internal inflammations at pinoprotektahan ang katawan laban sa sakit – kahit magtanong ka pa sa Johns Hopkins University School of Medicine.

Hindi lang energy booster ang kape. Kung umiinom ka ito at least twice a day, mababawasan ang risk na magkaroon ka ng Type 2 diabetes at depresyon, susuportahan ang iyong weight management at hahaba ang iyong buhay. Well, hindi ako sure dun sa hahaba ang buhay. Naisip ko lang na kapag healthy ka, e di hahaba ang buhay mo. At saka nga pala, I’m talking of brewed coffee here na konti lang ang asukal o wala a lang asukal, hindi yung 3-in-1 coffee na nauuso ngayon. At pag buntis, hind inga pala advisable ang instant coffee, baka hindi makatulog si baby.kasi, stimulat ag caffeine, na ang resilta pag naparami, nai-increase ang activity ng utak at nervous system.

Piabibilis din nito ang circulation ng mga chemicals sa katawan tulad ng cortisol at adrenaline.

Kung sapat lang, makatutulong ang caffeine para ma-energize kayo at maka-focus.

Kadalasan, kalahati ng caffeine na ininom ninyo s aumaga ay wala na sa loob g 4-6 hours. Sa kung minsan, inaabot ito ng 12 hours – depende sa tolerance ng katawan. Kapag sobra ang caffeine, hindi agad makakatulog. In fairness, ako po, hindi ako makatulog kapag walang kape.

May bad effects din ang kape. Lahat ng sobra ay masama. Kapag sobra sa kape, magiging restless ka, agitated, nerbyoso, at pwede pang magkaroon ng panic attack.

Pero kung iniiwasan mo ang diabetes, sige lang, uminom ka ng black coffee – yung brewed ha!

Mapapahinto na ang calcification sa arteries na nagiging sanhi ng atake sa puso, napipigilan pa ang pagkabuo ng brain plaque na nagiging sanhi naman ng Alzheimer’s disease. Sa totoo lang, napooprotektahan ka rin ng kape laban sa Parkinson’s disease, Type 2 diabetes, Liver disease kasama na ang liver cancer, atake sa puso at stroke.

Dalawa hanggang limang tasa ng kape bawat araw ang masasabing sapat na upang makaiwas sa nasabing mga sakit. I repeat, brewed coffee po ang sinasabi ko, yung totoong kape – hindi 3-in-1 coffee o kahit anong instant coffee. Ang tunay na kape po kasi ay walang preservatives na makasisira sa inyong kalusugan. Pwede rin po ang instant coffee pero hindi ko po talaga mairerekomenda ang 3-in-1 coffee dahill hindi natin kontrolado ang dami ng asukal na kasama nito. Pero hindi po namin pinakikialaman kung ano ang panlasa ninyo. Kayo po ang magdedesisyon. Tutal, kalusugan lang naman ninyo ang pinaguusapan dito.

Ang kape, bow! NLVN