Compulsary ang edukasyon ng mga bata sa Pilipinas, at ang libreng mag-aral sa mga pampublikong paaralan mula pre-school, kasama rin ang elementay, Junior High School, Senior High School at kolehiyo.
Kasama sa mga kasalukuyang trends sa edukasyon ng Pilipinas ang internationalization, global partnerships, outcomes-based standards, at ICT utilization. Ang mga pangunahing isyu naman ay access, equity, quality, at pag-align ng national at international goals.
Sa isyu ng K-12 education, ipinatutupad na ang K-12 Basic Education Program, na may karagdagang dalawang taon sa basic education system. Layon ng nasabing reporma na mabigyan ang mga Filipino students ng kinakailangang life skills para sa 21st century at upang maging globally competitive.
Kung current trends and issues naman sa Philippines’ education system ang usapan, masasabing sakop nito ang maraming aspeto. Kinakaharap nito ang mga hamon tulad ng unequal access, varying quality of programs, at the profit-driven nature ng mga private institutions. Oo nga at nagkaroon ng Universal Tertiary Education Act of 2017 na naglalayong resolbahin ang isyu sa pamamagitan ng libreng tuition sa mga estudyanteng makakapasa sa entrance examinations ng mga public higher education institutions, ngunit may problema pa rin sa pagbabayad ng tirahan, sa pagkain at pamasahe at sa iba pang gastusin sa iskwelahan. Ang mga education reforms ng bansa sa nagdaang tatlong dekada ay nakapokus sa pagpapaganda ng kalidad at pagpapalaganap ng lifelong learning opportunities.
Higit pa diyan, binibigyang diin ng nasabing sektor ang internationalization, forming global partnerships, at transitioning to outcomes-based competency standards . sa pagkakaroon ng COVID-19 pandemic, lalo pang nakita ang kahalagahan ng Information and Communication Technology (ICT) sa pagbibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral.
Nagdusa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng pandemya dahil sa kakulangan ng gadgets, kakulangan o kahinaan ng internet connection, short attention span ng mga mag-aaral, at dahil mahirap sumunod sa patakaran sa paggawa ng mga projects at iba pang requirements. Bawal kasing lumabas. Ayon sa research, kulang ang kaalaman ng mga sumailalim sa distance o online education. Marahil, ito ang dahilan kung bakit mas naging generous ang mga guro sa pagbibigay ng grades sa kanilang mga estudyante. Mas naging considerate din sila sa mga hindi makapag-perform ng maayos. NLVN