ANG KATAPATAN, DANGAL, AT TAPANG NI PNOY

ISANG  taon na ang nakalipas magmula nang yumao ang dating pangulo ng Pilipinas na si Benigno “Noynoy” S. Aquino III noong ika-24 ng Hunyo 2021 sa edad na 61. Noong nakaraang Biyernes, isang misa ang idinaos sa Church of the Gesu, Ateneo de Manila University, bilang pag-alaala sa unang anibersayo ng kanyang pagpanaw. Dumalo sa okasyon ang kanyang mga tapat na kaibigan at mga kamag-anak.

Totoo ngang maraming dapat ipagpasalamat kay President Noynoy—ang kanyang mga sakripisyo at sipag ay malaking tulong sa pagbangon ng ating ekonomiya. Puno ng tagumpay ang kanyang administrasyon. Mayroong meme na kumakalat sa social media na naglilista ng lahat ng kanyang nakamit noong siya ay nakaupo sa pwesto—mahaba ang listahan na ito.

Hindi maipagkakaila na marami sa mga proyektong tinatapos ng kasalukuyang administrasyon ay nasimulan noong termino ni President Noynoy.

Ating maaalala na sa loob ng anim na taon sa ilalim ng kanyang liderato, taon-taong lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas. Matapang din na hinarap ni Aquino ang Tsina ukol sa isyu ng West Philippine Sea. Nang dahil sa mga aksiyon ng kanyang administrasyon, nakamit natin ang arbitral win noong Hulyo 2016 laban sa labis na pag-ako ng Tsina sa mga pinaglalabanang teritoryo.

Nilabanan din ni President Noy ang korupsiyon sa pamamagitan ng kanyang anti-corruption campaign, ang “Daang Matuwid”. Mabusisi niya ring trinabaho ang pagpapabalik ng peace process sa Mindanao, na siyang nagbunga ng isang preliminary peace pact sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Nagresulta ito sa pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ilan lamang ito sa mga maraming proyekto at programang naisakatuparan noong kanyang administrasyon.
(Itutuloy…)