ANG KULAY NG 2022

Ayon sa Chinese metaphysical science, ang mga kulay ay gawa sa specific frequencies at may iba’t ibang lakas at affinities taon-taon. Bawat bahay ay may iba’t ibang color affinities, at bawat Zodiac sign ay mas sinuswerte kung palalakasin ang kanilang kulay. Nakakagulat ang paggamit ng kulay upang mas mapaganda ang dating ng iyong swerte. Ang kailangan lamang ay basic knowledge ng color compatibilities, plus ang kanilang kahalagahan sa mga element ng taon.

Mayroong limang main colors na nagre-represent the ng limang elemeno – ang Lupa, Metal, Tubig, Kahoy at apoy, at walong direksyon — Hilaga, Hilagang Silangan, Hilagang Kanluran, Timog, Timog-silangan, Timog-kanluran, Silangan, at Kanluran (North, Northeast, Northwest, South, Southeast, Southwest, East, at West). Depende kung saan nakaharap ang bahay ninyo, may nakatalagang kulay na magbibigay ng iba-ibang epekto sa swerteng pumasok sa inyo noong Bagong Taon. Gayundin, depende sa inyong animal sign, iba-ibang kulay din ang makakaapekto sa inyo bawat taon.

Nas maganda sana kung marunong kayong tumingin sa Paht Chee chart para malaman kung ano ang nire-represent ng bawat elemento at kung ano ang maswerteng kulay sa taong kasalukuyan. Batay sa 2022 chart, hindi balanse ang taong ito kung ang pagbabasehan ay ang limang elemento. Dahil daw sobra ang Kahoy at kapos naman ang Metal at Apoy.

Kailangan sa 2022 ang METAL, na represented ng puti, purple, gold o silver, at ang secondary fortunate element naman ay Apoy na represented ng oranges, pula at maroon.

Ang asul at itim ay sumisimbulo sa umaagos na tubig, na laging nagbibigay ng yaman. Gayundin, ang WATER element ng 2022 ay kayamanan din ayon sa Paht Chee analysis. Ang pagsosoot ng damit na ang kulay ay magkahalong black at blue ngayong 2022 ay nagpapalakas sa wealth luck. Tandaang karamihan sa wealth luck ngayong 2022 ay nakikita sa “direct form”, tulad halimbawa ng kita sa negosyo, o asenso sa trabaho. Pwede ring “indirect wealth”, tulad ng kinita sa investments o pagtama sa STL at lotto.

Dahil may sapat na Water sa chart, iwasang gumamit ng sobra ng kulay na ito, dahil pwede itong magresulta sa financial loss. Ipinapayo ito sa mga ipinanganak sa years of the Boar, Rat, Ox at Tiger. Kung magsosoot ka ng totally black outfit, balansehin ito sa pagdadala o pagsosoot ng makulay na bag o kaya naman ay Red na scarf o iba pang bright color.

Sobrang swerte rin sa 2022 ang Red, dahil nawawala ito sa Paht Chee chart, at makikita lamang sa mga nakatagong elemento. Tandaang ang pula ay kulay na associated sa planetang MARS, at sa 2022, ito ang kulay na nagdadala ng suporta at resources.

Dahil napakaswerte ng kulay pula ngayong taon, mahalagang hindi ito masobrahan ng gamit. Swerte ang pula pero huwag mo namang pintahan ang bahay ng ganitong kulay. Kapag sobra ang Fire energy, nakakasira din ito – nakakasunog ng swerte – lalo na kung sobra ang gamit sa gitna at Southwest sectors ng inyong bahay ngayong 2022. Ito ay dahil ang Fire chi dito ay nagpapalakas ng malas na taunang bituin na bumibisita sa tahanan sa dalawang sectors na ito.

Laging pinapaboran ang Red kapag Chinese New Year, kasalan at iba pang selebrasyon na nagpapakita ng kaligayahan tulad ng Full Moon ng bagong silang na sanggol, at birthday ng mga ina at ama. Sa ganitong events, naa-activate ang yang chi ng color red na humihila naman sa swerte! Paborito rin itong kulay sa mga templo at restaurants, at pinaniniwalaang pinakamakapangyarihang kulay na pantawag ng mga customers at kliyente.

Dilaw naman ang representation ng pagkakaibigan at pagkakaisa. Isa itong maharlikang kulay na associated sa mga mandarin. Gusto ng mga Chinese ang kulay na ito, dahil singkahulugan ito ng Imperial Authority. Dilaw ang kulay ng Son of Heaven. Dilaw din ang kulay ng Emperador at ng Yellow River, na nagdadala ng nagbibigay-buhay na tubig sa kapatagan at palayan ng China.

Ngayong 2022, ang dilaw ay simbulo ng pagkakaibigan at social networks. Ito ang kulay ng mundong nagbibigay ng katatagan, na nagiging gabay upang lagi tayong nakayapak sa lupa kahit pa ulanin tayo ng swerte. Sa 2022, inire-represent ng Earth ang mga kakampi at kaibigan. Kung is-activate ang dilaw ngayong taong ito, dadami ang kaibigan mo at kakampi. Pero ingatan ding huwag masobrahan ang Earth, dahil kapag nasobrahan, may natatagong kumpetisyon. Walang Earth sa main chart ngunit may tatlong units ng hidden Earth, na nagsa-suggest ng posibilidad ng natatagong kalaban kung papayagan mong mangyari ito.

Makabubuting magdala ng Four Friends Friendship Amulet upang maprotektahan ang sarili sa mga dating kaibigang naging kaaway. Sa mga nagtatrabaho sa isang competitive environment, huwag palaging dilaw ang isoot.

Puti,ginto at silver ang kulay na associated sa Metal, na representasyon ng talino at bagong ideya. Walang Metal sa chart ng 2022 kaya iminumungkahing magsoot palagi ng damit o mgabagay na kulay puti, gold o silver upang mapagbuti ang abilidad at creativity. Pwede ring agsoot na lamang ng gold o silver jewellery; lalo na kung galing ito sa mahahalaga at makapangyarihang simbulo o kaya naman ay sagradong syllables.

Sinumang nagtatrabaho sa creative environment ay makikinabang sa pagsosoot ng white, gold at silver. Nagbibigay ito ng kakayahan sa pagkakaroon ng original thinking, creative ideas na out of the box at nakakagawa ng inspiradong solusyon sa mga mahihirap na problemang akala ng iba ay mahirap maresolba.

Kapangyarihan at pagkilala naman ang dala ng green. Wood ang elementong nakakaapekto sa progreso ng inyong trabaho.

Dahil sobra ang Wood element sa chart ng 2022, at ang taon ay nagsisimula bago ang Lap Chun (unang araw ng tagsibol – February 4th), ipinapayong bantayan kung gaano karaming Wood element chi ang dadalhin mo sa iyong tahanan. Napakahalaga nito sa mga tahanang nakaharap sa Silangan o ang pintuan nakaharap dito. Kung sobra ang Wood chi sa East ngayong 2022, magkakaroon ng kaguluhan at maaaring masira ang ilang personal  na relasyon sa trabaho at sa tahanan.

Dahil sobra na ang Wood, huwag itong masyadong gamitin. Representasyon din ngayong taong ito ng Wood element ang Tiger, na, bagama’t mahalaga ay mapanganib din.

Kung gusto ninyo ng green, magsoot na lamang kayo ng jade, emerald o anumang berdeng bato, o kaya naman ay magsoot na lamang ng berdeng scarf, lalo na kung gagamitin ito upang i-activate ang recognition luck. ### JAYZL VILLAFANIA NEBRE