ANG LUSLOS OR INGUINAL HERNIA

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

ANG Inguinal Hernia or mas kilalang sa tawag na Luslos ay isang condition kung saan ang internal organ sa loob ng tyan ay nasasapo or nag bubulge sa ingunal part ng katawan ng tao.

Ito ay sanhi ng weakness ng ating abdominal muscles. May dalawang klase ang Inguinal Hernia, ang Indirect Inguinal Hernia ay madalas makita sa mga bata at ito ay sanhi ng congenital defects sa kanilang abdominal wall kaya sila ay nag kakaluslos; ang  Direct Inguinal Hernia naman ay mas madalas makita sa mga matatanda at ito ay sanhi ng weakness ng muscles ng abdominal wall gawa ng madalas na pag iri ng biglaan or pag bubuhat ng mabibigat na bagay.

Ang simtomas ng inguinal hernia ay pag bulge ng groin area lalo nap ag umuubo or bumabahing, paglaki ng scrotum sa lalake, pain sa groin area. Kadalasan ang Inguinal Hernia ay elective na ang ibig sabihin ay ang surgical repair nito ay maaring gawin kung kelan naiisin ng pasyente, ngunit ito ay maaring lumubha at kapag may simtomas na ng pagkasakal ng mga internal organs daluyan ng luslos ito ay dapat agarang operahan na.

Ang dalawang uri ng surgical emergency na Inguinal Hernia ay ang Incarcerated Hernia kung saan ang internal organs or ang taba ng laman loob ay naipit na sa groin area or scrotum at ito ay hindi na makabalik sa abdominal area, ang Strangulated Hernia naman ay ang pagkasakal ng mga internal organs or taba ng laman loob at dahil dito ang kanilang blood supply ay nawawala or nababawasan at maaring maghantong sa pagkabulok ng mga ito.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem- 995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.