NITO lamang ika-5 ng Hunyo ay ipinagdiwang ng buong mundo ang World Environment Day upang manghikayat ng pangkalahatang aksiyon at kaalaman patungkol sa air pollution, ang tema para sa taong ito. Ang bawat isa, pati na ang mga organisasyon ay hinihimok upang kumilos para mailigtas ang ating mundo at pangalagaan ang kalikasan.
Ang mga negosyo at kompanya sa buong mundo ay nagsisimula nang mamulat sa katotohanang ang pagtulong sa mga pagkilos at kampanyang ito (para sa kalikasan at kahirapan) ay hindi lamang nasa uso, ito rin ay makatutulong sa paglago ng negosyo. Nagsisimula na rin nilang maintindihan na malaki ang papel na kanilang gagampanan at malaki ang maitutulong nila sa lipunan at pamahalaan, sapagkat hindi lamang dapat iasa sa iba ang mga ganitong pagkilos. Damay-damay ang lahat sa mga suliranin at epekto ng mga ito, kaya’t kinakailangan din ang sama-samang pagkilos.
Kamakailan ay naglabas ang World Economic Forum ng isang artikulo tungkol sa maaaring maging kontribusyon ng mga kompanya at negosyo kaugnay ng usapin ng climate change at pangangalaga sa kalikasan. Kaya’t bilang pakikiisa sa pag-alala sa World Environment Day ay nais kong magbahagi ng kaunting impormasyon na maaaring makahikayat sa ilan upang makisali sa pandaigdigang rebolusyong ito.
Una sa listahan ay ang pamumuhunan sa mga tinatawag na nature-based solutions. Ibig sabihin ay ang paglalagay ng pondo o kapital para sa mga gawaing makatutulong sa pagbabawas ng carbon emissions. Ilang halimbawa ay ang pangangalaga sa Marine Protected areas, mga kagubatan, lupa, karagatan, at baybayin. (Itutuloy…)
264949 489780Excellent post. I previousally to spend alot of my time water skiing and watching sports. It was quite possible the top sequence of my past and your content material kind of reminded me of that period of my life. Cheers 592630