ANG MAGANDANG IDINULOT NG COVID-19

Magkape Muna Tayo Ulit

MARAHIL ay magtataka kayo kung bakit may magandang idinulot ang COVID-19 sa ating buhay. Kabaligtaran  ito, hindi po ba? Sandamakmak na perwisyo ang idinulot ng COVID-19 sa ating buhay. May mga pumanaw dahil sa sakit na ito. Ang ating pamahalaan ay nagdeklara ng national emergency sa buong kapuluan. Ang Luzon ay isinailalim  sa ‘enhanced community quarantine’ upang mahinto ang pagkalat ng COVID-19. Marami ang nawalan ng hanapbuhay. Nawala sa atin ang normal na galaw at pag-ikot ng ating pang-araw-araw na buhay.

Kaya bakit natin masasabi na may magandang idinulot ang COVID-19?

May natanggap akong mensahe sa viber tungkol dito at naantig ang aking puso at kaisipan na may maganda ngang naidulot ang COVID-19. Sa mga hindi pa nakabasa nito, hayaan ninyong ilahad ito dito sa aking kolum:

Ang daming binago ng COVID-19 sa isang iglap. BINUO nito ang PAMILYA na minsan lang kumain  sa hapagkainan nang sama-sama.

NAPAPIRMI nito sa  BAHAY ‘yung mga anak na sakit ng ulo ng kanilang mga magulang sa sobrang layas at gala.

NATUTONG uminom ng kalamansi juice o anumang FRUIT/HERBAL JIUCE ‘yung mga mahilig sa softdrinks para lumakas ang immune system.

NAPADALAS ang KUMUSTAHAN ng mga magkakamag-anak pati na mga magkakaibigan kahit na bawal ang halik o beso-beso, malayo man o malapit.

Mga BISYO tulad ng alak, sugal, sigarilyo at droga, ay parang napipigilan dahil sa COVID-19.

IPINAKILALA rin sa atin kung sino-sino ‘yung mga TAONG may pusong tumulong at hindi mapagsamantala. Isama na ang mga NAMUMULITIKA pa kaysa makiisa sa pagtulong para mapuksa ang COVID-19.

Sa pamamagitan ng GLOBAL LOCKDOWN, unti-unting napapangiti si MOTHER EARTH dahil nababawasan ang AIR POLLUTION kasi wala nang halos bumibiyaheng mga smoke belching vehicles at nagsara ang mga factory  at iba pang mga estab-lisimiyento.

Dahil din sa LOCKDOWN ay nasolusyonan na ang matagal na problema sa TRAFFIC SA EDSA! Pati ang teleseryeng ANG PROBINSYANO ay tinapos mo na!!

Marami ang napipilitang MAGLAKAD kasi walang pampublikong sasakyan na maganda sa kalusugan.

Ang magandang ginawa ng COVID-19 ay tinakot tayo upang MA-REALIZE natin na pahalagahan ang KALUSUGAN. Marami ang  gustong kumain ng gulay at prutas.

At higit sa lahat, ang daming pinaluhod ng COVID-19 upang MANALANGIN sa PANGINOONG DIYOS na lumikha kasi marami nang nakakalimot at pinaalala mo sa amin na GOD IS IN CONTROL OF ALL THINGS!

COVID-19 kahit nakakatakot ka…kahit bad ka sa katawan ng tao… totoo pala, I SEE THE GOOD IN THE BAD.

Kapag DININIG na ng AMANG DIYOS sa langit ang dasal namin na ALISIN ka na… sana ‘wag mong isama sa pag-alis mo ‘yung mga MAGAGANDANG EPEKTONG dala mo sa buhay namin.

Comments are closed.