BINAGO at patuloy na binabago ng pandemya ang mundo ng paggawa. Ang mga polisiya at nakagawiang pamamaraan na gumana noon ay maaaring hindi na epektibo ngayon. Halimbawa, hindi na puwedeng gamitin ng mga pinuno ang mga bagay na dating nakakahikayat sa kanilang mga manggagawa. Nagbago at patuloy na nagbabago ang mga pangangailangan ng mga manggagawa.
Dagdag pa rito, kailangang harapin ng mga negosyante ang tinatawag ng mga ekonomista na “The Great Resignation” dahil ang mga empleyado sa panahong ito ay handang lumisan kung kinakailangan.
Siyempre, hindi naman maaaring panoorin na lamang ng mga boss ang pag-alis ng kanilang mga tauhan.
Natututunan ng tao na pahalagahan ang mga bagay na karapat-dapat ingatan. Pamilya, mental health, at pisikal na kalusugan ay ilan lamang sa mga nangunguna sa listahan. Sa tingin ko, kahit na ang mga katangian na hinahanap natin mula sa isang lider pulitikal ay nagbabago na rin.
Kailangang matutunan ng ating mga pinuno—sa pamahalaan man o sa mga korporasyon—na pag-aralang mabuti ang buhay ng mga taong nasasakupan nila upang maging malinaw para sa kanila kung paano tutugunan ang mga pangangailangan ng mga taong ito. Ang tugon ay kinakailangang naaayon sa kanilang mga prayoridad. Halimbawa, maaaring lumikha ng mga istruktura, sistema, at polisiya na mas demokratiko at mas angkop.
Sa opisina o lugar ng paggawa, kailangang siguruhin ng mga pinuno na bukas para sa lahat ang mga oportunidad, at hindi sa iilan lamang. Isa lamang ito sa maaaring gawin ng mga lider. Kailangan ding bantayan at panatilihin ang kalusugan ng isip at katawan ng mga manggagawa. Dito maaaring magtulungan ang mga negosyante at ang kanilang HR department upang makalikha ng bagong mga solusyon gamit ang mga bagong impormasyon.
(Itutuloy…)
609319 75682This sort of wanting to come to a difference in her or his lifestyle, initial typically Los angeles Excess weight weightloss scheme can be a large running in as it reached that strive. weight loss 382858
287818 327037a great deal lately with my father so hopefully this will get him to see my point of view. Fingers crossed! mortgage banker new york 33093
341049 930186This is something I truly have to try and do a great deal of analysis into, thanks for the post 921263