(Pagpapatuloy…)
Isa pang halimbawa ay ang paggamit ng skills-first strategy sa paghahanap at pag-aalaga o pagpapanatili sa mga empleyado. Simple lamang ang ibig sabihin nito: mas pinahahalagahan ang kakayahan kaysa karanasan o pinag-aralan. Mas matimbang ang kapasidad o kapabilidad kaysa sa mga credentials.
Ang isang tradisyunal na opisina ay maaaring mahirapang ipatupad ito dahil sanay sila sa nakagawian nang mga pamamaraan.
Pero maaaring mas maging madali para sa mga organisasyon ang kumuha ng mga kapalit na tao o iwasan mismo ang pagkawala ng tauhan kung gagamitin ang pamamaraang ito. Hindi naman ito bago, mas nabibigyan lamang ng pansin ito ngayon dahil nga sa krisis na ating nararanasan.
Tandaan natin na dahil sa mabilis na pagbabago ng halos lahat ng aspetong may kinalaman sa paggawa, mas mahirap nang humanap ng empleyadong may kakayahang makasabay sa mga pagbabago ng panahon.
Maraming trabaho ang nangangailangan ng bagong kakayahan at hindi lahat ng empleyado ay handa o may kapabilidad na magdagdag ng kaalaman upang makasabay sa panahon.
Upang manatiling makabuluhan at epektibo, kinakailangang may proseso ang bawat negosyo o opisina ng gobyerno sa paghahanap ng tamang talento at pagpapanatili sa kanila. Maaaring makatulong ang teknolohiya, pati na rin ang mga tools at resources upang magkaroon ng mga makabagong solusyon.
Ang bagong sitwasyon at bagong problema ay nangangailangan din ng bagong pag-iisip at pamamaraan.
Kaya’t puwede nga siguro nating masabi na ang lider na magtatagumpay sa panahong ito—sa panahon ng new normal—ay yaong mga pinunong malikhain at may bukas na pag-iisip.
Comments are closed.