ANG MATAAS NA SINING NG PAGTUTURO

HABANG  ang buong larangan ng edukasyon ay nangangapa upang makasabay sa tinatawag na new normal, dala-dala pa rin ng ating mga guro ang responsibilidad na siguruhing epektibo ang kanilang mga paraang kaugnay ng remote teaching. Marami sa kanila ay kinailangang matuto ng mga bagong bagay at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang makasabay sa teknolohiya at sa mga nagbabagong pangangailangan ng mga estudyante.

Kailangan nilang gabayan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa distance learning. Kailangan din nilang tugunan ang inaasahan ng mga magulang, maging ng kanilang paaralang pinapasukan. Ang tiyaga at katapatan sa tungkulin ay talaga namang nasa puso ng propesyong ito. Kahit sila mismo ay nabibigatan sa mga personal na pasaning dulot ng pandemya, hindi nawawala ang kanilang obligasyon na turuan ang bayan, isang mahalagang bahagi ng kaunlaran ng isang bansa.

Tama lamang na magbigay pugay tayo sa ating mga guro sa pagdiriwang natin ng National Teachers’ Month mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre, at ng National Teachers’ Day sa ika-5 ng Oktubre. Ang tema para sa taong ito ay Nagtuturo ako Para sa Magandang Bukas (I Teach for a Better Future) — ito ay pagbibigay-pugay sa dedikasyon ng ating kaguruan upang maipagpatuloy ang pagtuturo sa mga mag-aaral at kanilang pag-unlad bilang mga pinuno at lider sa hinaharap.

Maaari nating kilalanin ang mga guro sa ating buhay sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating pasasalamat sa kanila. Kasama na rito ang mga guro natin noon at ngayon, mga guro ng ating mga anak, at mga kaibigan o kamag-anak nating mga teachers, at iba pa. Maaaring magpakita ng pasasalamat sa iba’t-ibang paraan, pero sigurado akong matutuwa sila kung tayo ay magpapadala ng mensaheng nakakataba ng puso o kaya naman ay taos-pusong pasasalamat.

Puwede nating sabihin sa kanila kung paano nila tayo na-inspire o kung ano-ano ang mga positibong epekto nila sa ating buhay.
(Itutuloy…)

16 thoughts on “ANG MATAAS NA SINING NG PAGTUTURO”

  1. 647828 104742Thoughts talk within just around the web control console video clip games have stimulated pretty skilled to own on microphone as effectively as , resemble the perfect tough guy to positively the mediocre ones. Basically fundamental problems in picture gaming titles. Drug Recovery 349312

  2. 660659 165877Normally I do not learn post on blogs, nevertheless I would like to say that this write-up quite pressured me to have a look at and do so! Your writing style has been surprised me. Thank you, quite wonderful post. 858268

  3. 331612 339867Hello my family member! I wish to say that this post is amazing, wonderful written and come with approximately all vital infos. I would like to see extra posts like this . 47556

Comments are closed.