ANG MATAAS NA SINING NG PAGTUTURO

(Pagpapatuloy…)
Ipinagdiriwang pa rin natin ang National Teachers’ Month hanggang ika-5 ng Oktubre, ang naitalagang National Teachers’ Day. Para sa kolum na ito, nais kong ipagpatuloy ang diskusyong nasimulan ko noong Lunes.

Bukod pa sa pagpapasalamat at paggalang natin sa ating mga kaguruan, mahalaga ring suportahan natin ang mga adbokasiya at isyu para sa mga guro. Alamin natin ang mga detalye ng isyung kanilang hinaharap upang mas mabuti natin silang matulungan. Kung ito ay ating gagawin, hindi lamang ang mga guro ang makikinabang sa kanilang pag-unlad, ang mga estudyante rin at higit sa lahat, ang bansa at ekonomiya.

Madalas nating marinig na sinasabing ugat ng maraming problema sa bansa ang kakulangan ng tamang edukasyon. Ang kahirapan, kawalan ng impormasyon at oportunidad, ang hindi matalinong pagdedesisyon tungkol sa mahahalagang bagay, at iba pang isyung sosyo-ekonomiko at mababawasan sana kung naaarmasan ng magandang edukasyon ang ating mga mamamayan.

Hindi na natin kailangan ng istatistika o resulta ng mga survey upang mapatunayang kailangan nga ng mas seryosong suporta ng ating mga guro at ng buong sistemang pang-edukasyon dito sa Pilipinas.

Kitang-kita ang mga sintomas ng kakulangang ito sa ating kapaligiran.

Higit pa sa pagtuturo ang ginagawa ng mga guro sa ating mga estudyante. Marami sa kanila ay tumatayong ikalawang magulang o guardian sa ating mga mag-aaral.

May kapangyarihan silang maimpluwensiyahan ang murang isipan ng mga kabataan at hubugin ang kanilang kanilang hinaharap o buhay.

May kakayahan silang bigyan ng direksyon ang bansa, kaya’t tama lamang na tulungan natin silang magkaroon ng kapasidad na gawin nang tama ang mahahalagang bagay na ito.

4 thoughts on “ANG MATAAS NA SINING NG PAGTUTURO”

  1. 298127 132112Admiring the time and energy you put into your blog and in depth info you offer. Its very good to come across a blog every once in a even though that isnt the same old rehashed material. Fantastic read! Ive bookmarked your website and Im adding your RSS feeds to my Google account. 881893

  2. 926726 416733My brother suggested I would possibly like this weblog. He was once entirely correct. This submit really produced my day. You cant believe just how so significantly time I had spent for this data! Thank you! 506806

Comments are closed.