ANG MATALINONG PAGBOTO

atty rojas

SA LUNES, ika-14 ng Mayo, ay tutungo ang mamamayan ng bansa sa mga presinto upang bumoto sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Sa araw na ito, pipiliin natin ang mga pinuno ng ating mga barangay. Tandaan po sana natin na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga lider na ito sa ating komunidad, kaya kailangan tayong pumili ng mga pinunong tunay na karap-at-dapat.

Bilang paalala, sa araw ng eleksiyon mismo, ipinagbabawal ng Comelec ang mga sumusunod na gawain: pangangampanya; pagboto ng higit sa isang beses o pagboto sa pangalan ng ibang tao; paggamit ng voter’s affidavit ng ibang tao; paninira, pagpalit o pagkuha ng anumang election form, dokumento o ballot box mula sa tao o lugar na may karapatang mag-ingat nito; pangangalap ng boto o propaganda para sa isang kandidato o laban sa isang kandidato sa loob ng 30 metro mula sa lugar ng botohan; pagbukas ng mga puwesto upang makapagtinda ng inumin, meryenda at iba pang paninda sa loob ng 30 metro mula sa lugar ng botohan; at ang pag-sasagawa ng sabong, boksing, karera, perya, at iba pang mga katulad ng aktibidad sa araw na ito.

Maging matalino po tayo sa ating pagpili ng ating mga pinuno at huwag magpadala sa pera o bayad, kasikatan at mga pangakong walang laman. Tingnan po nating mabuti ang ating karanasan at ang mga nagawa ng mga kumakandidato. Maging mapanuri po sana ang lahat para na rin sa ating sarling kapakanan.

***

Narito naman ang resulta ng PCSO Trial Race (Special Maiden Race) noong ika-27 ng Abril sa San Lazaro. Narito ang unang 10 nakatapos ng karera, ayon sa pagkakasunod-sunod: Ava’s Dream (JPA Guce), San Rafael (FM Raquel Jr.), The Best Ever (Pat R. Dilema), What an Offer (JB Guce), Shadow of the Sun (JB Hernandez), Oasis (CP Henson), Eli Brassous (OP Cortez), Silver Glow (JA Guce), Gray Yogurt (JL Paano), at si California Garden (EG Gueera). Mainit na pagbati sa lahat!

 

 

 

5 thoughts on “ ANG MATALINONG PAGBOTO”

  1. 453512 299010Most heavy duty trailer hitches are developed making use of cutting edge computer aided models and fatigue stress testing to ensure optimal strength. Share new discoveries along with your child and maintain your child safe by purchasing the correct style for your lifestyle by following the Perfect Stroller Buyers Guideline. 440625

Comments are closed.