LAGING pinupuna ng ibang relihiyon ang mga Katoliko dahil sa paggamit ng mga estatwa ng santo, paintings, at iba pang artistic devices upang alalahanin ang tao o bagay. Tulad ng naaalala natin ang ating ina gamit ang kanilang larawan, ganoon din ang mga santo. Sila ang mabuting halimbawa ng magandang gawain. Ginagamit ng mga Katoliko ang mga estatwa at larawan bilang teaching tools.
Lahat ng simbahang Katoliko sa buong mundo ay may estatwa o larawan din ni Birheng Maria at iba pang mga santo. Hindi sila sinasamba ng mga Katoliko – si Maria man o ang kahuit na sino pang santo. Hinihiling sa kanila ng mga Katolikong tulungan silang magdasal sa Ama sa langit. Ang tawag doon ay intercession o pamamagitan.
E bakit naman kailangan pa ang tagapamagitan, gayong pwede namang magdasal ng diretso sa Diyos?
Oo nga at pwede tayong dumiretso sa Diyos, ngunit sa isang petisyon o kahilingan, hindi ba mas mabuti kung marami kayong humihingi kesa nag-iisa ka lamang? Ang papel ng mga Catholic saints sa ngayon ay upang maging spiritual guides, mentors, at halimbawa ng pananalig sa kapangyarihan ng ama. Pinaniniwalaang sila ang pinakamalapit ngayon sa Diyos dahil sa mga maguguting gawaing nagawa nila sa lupa noong nabubuhay pa, maraming mga Christians ang nagdarasal sa mga santo upang tulungan silang ipetisyon ang kanilang mga kahilingan sa Ama.
Pinahahalagahan ng mga Katoliko ang mga santo dahil sa nagawa nilang mabubuting bagay noong nasa lupa pa sila, at dahil na rin sila ang napili nf Panginoong maging kaibigan. Kapag pinahahalagahan natin sila, pinahahalagahan din natin ang tunay at nag-iisang Diyos.
Ang santo (saint) ay isang religious statue sa tradisyon ng mga Katoliko ng Espanya at ng dating emperyo ng Espanya. Kadalasang gawa ito sa kahoy ngunit pwede ring ivory o ginto, na dinadamitan ng naaangkop sa kanila. Sa isinagawang Catholic convention, ang dating pagsunog ng mga lumang estatwa, rosaryo, o palma mula sa Palm Sunday ay dating itinuturing na paggalang o paglilibing, ngunit hindi ito ang normal na nakagawian ng nakararami, lalo pa at pagsunog din ang ginagawa ng mga anti-Christ.
Ang mga santo ay mga kilalang taong dinadakila at inaalala dahil sa kanilang mga nagawa sa lupa na naging bahagi na rin ng kasaysayan. Ang pinakamatandang estatwa ng santo ay may gulang nang 800 taon o higit pa. ito umano ay carved crucifixes. May isang ganito sa isang simbahan sa Luca, Italy, na marahil nga ay 800 taon na. May nga halimbawa pa ng lomang carving, tulad ng sarcophagi sa Ravenna, na may 400 taon na.
Ang pagdarasal sa mga santo ay sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesus at dapat gawin ng may pagpapakumbaba. Humihiling ka sa Diyos, kaya dapat lamang na magpakumbaba ka.
Umaabot na sa mahigit 10,000 ang bilang ng mga kilalang santo, ngunit ang kauna-unahang santo ay si St. Ulrich ng Augsburg. Noong taong 993, pormal na na-canonize si St. Ulrich ni Pope John XV bilang kauna-unahang santo o banal.
Sa mga Katoliko, Eastern Orthodox, Anglican, Oriental Orthodox, at Lutheran doctrine, lahat ng taong namuhay ayon sa kalooban ng Diyos ay mga santo, ngunit may mangilan-ngilang mas karapat-dapat sa pagpapahalaga.
Ang pagdakila ay para lamang sa Diyos. Nagdarasal ang mga Katoliko kay Birheng Maria upang tulungan silang magdasal sa Panginoon dahil sa kanyang katayuan bilang ina ng Diyos. Naniniwala ang mga Katoliko na si Maria ang pinakamalapit na nilalang kay Jesus at sa Diyos Ama na rin, dahil siya ang ina ng Diyos. Sa madaling sabi, nagdarasal ang mga Katoliko sa kanya dahil sa espesyal niyang relasyon kay Jesus at hindi dahil sa sarili niyang merito. Sa madaling sabi, hindi dinidiyos ng tao si Maria. Alalahaning sa kanyang rosaryo, ang mga binabanggit ay ang mga misteryo ng paniniwala sa Poong Maykapal, mga papuri sa Diyos, at walang kinalaman kay Maria. Sa dasal na Hail Mary, inuulit lamang ang sinabi ni Anghel Gabriel nang ibalita niya kay Maria ang kanyang pagbubuntis, at sa ikalawang bahagi ay ang pagpupuri dahil nasa kanyang sinapupunan ang anak ng Diyos.
Kung may pagkakaiba man ang Christianity at Catholicism, sa malawak na pananaw, naiiba ang mga Katoliko dahil sa kanilang mga sakramento, paniniwala sa Biblia at mga tradisyon, pati na ang kahalagahan ni Birheng Maria at mga santo at ang pagkakaroon ng namumunong Papa na naninirahan sa Vatican. Gayunman, alam nating lahat na iisa ang Diyos na ating sinasamba.
Walang masamang relihiyon. Lahat ng relihiyon ay nagnanais na magkaroon ng kabanalan at kabutihan ang bawat tao. Ang tao ang nagpapasama sa relihiyon.
Naniniwala ka ba sa mga santo? Ako, oo naman! Hindi dahil ako ay isang Katoliko, kundi dahil sila ay napakagandang halimbawa ng pananampalataya sa Poong Maykapal. NLVN