KAPAG puso ang sandata mo sa iyong negosyo, tiyak, hindi ka papatalo sa kahit anong hamon ang dumating – kahit pa ng Covid-19.
Totoo, lalo na sa pagluluto ng pagkain, kapag mahal mo ang ginagawa mo, lalo nitong napasasarap ang lutuin at makikita mo ito sa dami ng mga tumatangkilik.
Iyan ang isa sa mga sangkap ng mg lutuin sa Tita Mely’s – puso! Dahil inspirasyon nito ang mga tumatangkilik dito kaya naman binabalik-balikan sila ng kanilang mga customer.
Nagsimula ang Tita Mely’s na limang libo (Php5,000.00) lang ang puhunan. Inumpisahan nila ito sa pagtitinda ng mga meryenda tulad ng fishball, kikiam, squid ball, palami at iba pa hanggang sa paunti-unti, nadagdagan ito ng pancit, lomi, goto, sopas, tsamporado at mga lutong-bahay na ulam.
Hanggang sa lumakas na nga ang Tita Mely’s – marami na ang nagpapa-cater para sa iba’t ibang klaseng events at mga packed meal orders lalo na sa mga nag-oopisina.
Pero nitong Covid-19 pandemic, isa rin sila sa maraming negosyong naapektuhan. Nawala ang catering services dahil bawal ang gathering o events, nabawasan din ang order ng packed meals dahil iilan lang ang pumapasok sa mga opisina at bawal din ang pagbubukas ng mga restaurants o mga kainan.
Kahit sa gitna ng pandemic, patuloy pa rin ang Tita Mely’s sa kanilang masasarap na lutuin – maaaring umorder sa kanila online o sa Facebook Page nila.
Sa kabila ng mga hamon ngayon, positibo pa rin pananaw ng Tita Mely’s dahil patuloy itong umaasa na muli tayong babangon at magtatagumpay.
Wala pang kasiguruhan kung hanggang kalian ang pandemic na ito pero makaaasa umano ang kanilang mga suki na patuloy ang Tita Mely’s sa paghahatid ng masasarap na lutong bahay na swak sa panlasa ng bawat isa.
“Maaaring tumagal pa ang pandemya, maaring nalalapit na rin ang katapusan nito- kung anu man ang nakalaan para sa kinabukasan makakaasa aming mga suki na patuloy ang Tita Mely’s sa paghahatid ng lutong bahay na swak sa panlasa ng bawat isa. Kita kits mga suki. Maraming salamat. God Bless Us all!” – Tita Mely. CRIS GALIT
841382 476092Hey! Good stuff, do tell us when you post something like that! 626215
378644 124301dog grooming could be the specialty of my sister, she actually loves grooming every dog in our house 253516
307924 535943Hey man, .This was an exceptional page for such a hard subject to talk about. I appear forward to reading several far more great posts like these. Thanks 971997
890603 883731I enjoy your work , regards for all of the informative posts . 97164
701708 555450Some genuinely good stuff on this internet web site , I it. 623463