NARARAPAT lamang na ikulong na at parusahan ang mga nagpilit na iturok ang Dengvaxia sa higit sa 830,000 na mga mag-aaral na Filipino.
Sinamantala ng mga ito ang kahirapan ng mga Filipino upang magamit na pag-eksperimentuhan ng gamot na nakamamatay. Higit sa 800 na ang namatay na mga bata na iniimbestigahan at hinihinalang kagagawan ng Dengvaxia.
Hindi alam ng mga batang nasaksakan ng Dengvaxia at ng kani-kanilang mga pamilya na mapanganib ang experimental vaccine na ito para sa mga taong hindi pa nagkaka-dengue o sa mga seronegative individual.
Ito naman ay inamin ng kompanyang manufacturer ng Dengvaxia, ang Sanofi Pasteurs, kung saan inanunsiyo nito noong Nobyembre 2017 na makasasama ang Dengvaxia at maaaring magdulot ng nakamamatay na severe dengue at iba pang severe diseases sa mga natuturukan na hindi pa nagkakadengue.
Kaya naman agad-agad ding ipinullout ng Department of Health ang nasabing nakamamatay na vaccine mula sa merkado matapos malaman ito.
Ang World Health Organization ay nagbabala na rin ngayong taon, na inirerekomendang maghanap ng mas ligtas na pamamaraan sa pag-administer ng Dengvaxia dahil na nga rin nakamamatay ito para sa mga hindi pa nagkaka-dengue.
Sinabi rin ng WHO na maghinay-hinay sa pagte-testing ng mga inaaral na vaccine sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue at sa mga nagkaroon na, at mas maiging i-test muna ang mga ito para malaman kung sila nga ba ay seronegative o hindi bago i-administer ang nasabing nakamamatay na gamot.
Ito’y bunsod na rin sa ginawa nina Noynoy, Garin et al na pagtuturok sa higit sa 800,000 na mga mag-aaral sa elementarya na naglagay sa kanilang mga buhay sa kapahamakan, ang iba nga’y namatay na.
Samantala, ayon sa ilang observer, malaking scam ang claim ng Sanofi na ang Dengvaxia ay epektibo para sa mga batang nagkaroon na ng dengue, sa kadahilanang bakit pa ituturok ito sa mga batang nagkaroon na ng dengue kung magaling na ang mga ito?
“When a child survives a Dengue infection, that could only mean that his autoimmune system has adequately developed enough antibodies against it. Ergo, no more Dengue vaccination is needed,” pahayag ng isang observer.
oOo
RIP INSPECTOR GATCHALIAN. My condolences to the family, colleagues and friends of Inspector Ceferino Gatchalian. Inspector Gatchalian was head of the Kamuning Police Station Drug Enforcement Unit. He died after his service firearm accidentally went off and hit him by his stomach in his own office in the police station. He will be cremated today. May you rest in peace Sir Gatchalian.
oOo
CONGRATULATIONS BONG PERALTA! Proud to announce my dear friend Bong Peralta’s gun tourney, 1st BJP 2018 Cup, to be held on November 4, 2018 at Valor Firing Range in Barangay Caroyroyan, Pili, Camarines Sur in cooperation with Sawisaw Gun Club, Inc. and 22nd Valor I B 91D PA.
Comments are closed.