ANG Misamis Occidental ay muling umangat mula 2nd to 1st class province sa ilalim ng administrasyong Asenso ni Governor Henry S. Oaminal.
Ang reclassification na ito ay patunay ng patuloy na paglago ng ekonomiya, pagpapabuti ng imprastraktura, at mas mahusay na serbisyong pampubliko sa probinsya.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bilang resulta ng mga istatistika, kundi pati na rin ng nakikitang pagbabago sa pang-araw-araw na buhay ng mga residente. Sa bawat proyektong itinataguyod ng administrasyong Asenso, mula sa mga kalsada hanggang sa mga serbisyong pangkalusugan, lumilinaw ang direksiyon ng probinsya patungo sa mas maunlad at maayos na pamumuhay para sa lahat.
Kamakailan, ipinamalas muli ng administrasyong Asenso ang malasakit nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng Pamaskong Handog 2024 sa Plaridel, kung saan 1,790 na benepisyaryo ang nabigyan ng mga regalo tulad ng grocery items, dressed chickens, at cash gifts. Sina Governor Oaminal, 1st District Representative Jason Almonte, at Mayor Gadwin Handumon ang personal na nanguna sa pamamahagi, na nagpakita ng solidong pagkakaisa sa pagitan ng kongresyonal, probinsyal, at lokal na pamahalaan.
Ayon kay Governor Oaminal, “Sa launching sa atong Pamaskong Handog, duha ka barangay ania karon naghugpong, nagpakita sa atong panaghiusa para makab-ot nato ang hingpit nga pag-Asenso—labaw sa tanan sa ato unyang pagselebrar sa Pasko nga duna sab ta’y igo nga magamit aron magmalipayon ang atong pagsaulog sa Pasko.” Ang mensaheng ito ay nag-iiwan ng inspirasyon sa lahat ng nakasaksi at nagpaalala sa halaga ng pagtutulungan upang maabot ang tunay na progreso.
Ang mga proyektong tulad nito ay nagiging simbolo ng pagbabago sa Misamis Occidental. Ang pagiging primero klaseng probinsya ay hindi lamang isang titulo, kundi isang responsibilidad na patuloy na magsulong ng mga inisyatiba para sa kapakanan ng bawat residente. Ang Christmas outreach program ay isang magandang halimbawa ng kung paano inuuna ng pamahalaan ang kaligayahan at kapakanan ng mga tao, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.
Subalit, higit pa sa mga pamaskong handog, ang tunay na diwa ng pag-Asenso ay nakikita sa mas malalim na epekto nito sa komunidad. Ang matatag na imprastraktura ay nagdadala ng mas maayos na transportasyon at koneksiyon; ang pinalakas na serbisyong pampubliko ay nagbibigay ng mas mabilis at episyenteng tugon sa mga pangangailangan ng mga residente; at ang patuloy na pagpapabuti ng ekonomiya ay nag-aalok ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan.
Ang pagkilala sa Misamis Occidental bilang 1st class province ay isang paalala sa lahat na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa yaman, kundi sa kalidad ng buhay na naibibigay sa mga tao.
Sa panahon ng Kapaskuhan, ang mga ngiti at pasasalamat ng halos 2,000 na mga benepisyaryo sa Plaridel ay isang patunay ng pag-asa at pagkakaisa. Ang mga regalong natanggap nila ay hindi lamang materyal na bagay, kundi simbolo ng isang pamahalaang handang tumugon sa kanilang pangangailangan at pangarap ng kanyang nasasakupan.