ANG term na “gaguhan” ay ginamit para ipaliwanag ang relationship ng dalawang characters sa movie na Sid & Aya.
Sa May 17 press conference ng Viva Film’s latest movie offering, tinanong ang lead stars nitong sina Dingdong Dantes at Anne Curtis kung nakaranas na sila ng ganitong relasyon bago nagpakasal.
“Kinalimutan ko na ang lahat ng mga gaguhan na nangyari,” averred Anne. “Nasa happy place na ako.”
Dingdong and Anne play Sid and Aya in the movie that has the tagline “not a love story.”
In a separate interview right after the presscon, she intimated that being cheated in a relationship is one of the risks of falling in love. “Honestly, I think part naman ‘yun ng journey ng falling in love,” she quipped. “Darating ang point talaga na kailangan mong masaktan at babangon ka rin ulit,” added Anne, who is now married in blissful harmony to businessman Erwan Heussaff.
Dingdong chimed in, “Siyempre, para ma-appreciate mo naman kung ano ‘yung masarap, masaya, kinakailangan ma-experience mo rin yung hindi okay, di ba?
“Hindi lang naman sa relationship kundi sa lahat ng bagay, para mas matamis ‘yung pag-appreciate mo sa kung anong meron ka ngayon.”
He averred that being cheated in a relationship prior to his marriage to actress Marian Rivera is something that he wasn’t able to experience.
Dingdong openly invited moviegoers to watch Sid & Aya, that is slated to get shown in cinemas starting May 30.
Sa movie, sinabi niyang matututo ang viewers na hindi lahat na may ‘I love you’ ay love story.
“Mahalaga na ma-experience mo ‘yung pinakamababa—yung panggagago, breakdown, masisira ang ulo at puso, para mas ma-appreciate mo ‘yung mga bagay na mayroon ka ngayon o dapat sana mayroon ka.”
Under the direction of Irene Villamor, Sid & Aya was shot partly in Tokyo, Japan.
YNEZ VENERACION LASHES BACK AT BRUNEI-BASED
BUSINESSWOMAN OVER MONEY ISSUE
PATUTUNAYAN daw ni Ynez Veneracion na si Kathy Dupaya ang may kasalanan at lalabas at lalabas din lahat ng mga kasinungalingan nito.
Ayon sa aktres, up to now, Kathy hasn’t paid her with the sum of PHP260,000 that she owed her.
Ang ikinaiinis ng aktres ay ang madalas na pangangako ni Kathy ng araw o petsa kung kailan ito maghuhulog sa kanyang bank account, na predictably so, ay hindi naman nito nasusunod.
Sabi ni Ynez, nagpadala raw ng BDO (Banco de Oro) transaction si Dupaya na ang nakalagay ay, ‘You have successfully scheduled your future transaction.’
Papa’no raw kung ang schedule mo next month, next year, next year pa raw ba niya makukuha ang kanyang pera?
Dapat daw ay ‘You have successfully transferred your money’
Feeling daw niya nai-scam siya dahil hindi pa niya makuha-kuha yung pera.
Pero hindi raw niya sinabi na, ‘Ay, ini-scam ako ni Kathy Dupaya.’ Mag-react daw ito kung ganoon ang kanyang sinabi.
Ano naman ang susunod na hakbang na kanilang gagawin?
“Nakausap ko na po yung iba, pero ayoko pang sabihin,” she opined. “Ang akin lang, basta hindi pa po ako tapos sa kanya.
“Hindi pa po ako tapos dahil katulad nga nito, marami akong mga ebidensiya.
“So, inumpisahan mo ito, ‘di ba? Tapusin natin, di ba?”
Anyway, aminado naman si Ynez na noong unang taon ng transactions nila ay maayos namang naibalik ni Kathy ang kanilang investment
Kaya lang daw, nitong latter part, bigla na lamang nagkaproblema.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.