ANG NIYOG BILANG ‘TREE OF LIFE’

HINDI maitatatwa na talagang maraming pakinabang sa niyog.

Kaya naman tinagurian itong “tree of life”.

Paano naman kasi, walang maitatapon sa lahat ng parte ng niyog.

Kumbaga, lahat napapakinabangan at napagkakakitaan.

Siyempre, una na nga riyan ang katawan, dahon, at bunga na napakikinabangan ng lahat.

Ilang dekada na ring pinagkakakitaan ng mga Pilipino maging ang sabaw ng buko o murang niyog.

Sa maniwala kayo’t sa hindi, pati ang bunot ng niyog ay napapakinabangan din.

Talagang mapapahanga ka sa halamang ito.

Kung dati tinatapon lang ang cocowater o tubig ng buko, ngayon ay ini-export na ito ng Pilipinas.

Maging ang bunot o coco coir, kung dati walang pumapansin, minsan ay halos magkaroon pa raw ng shortage dahil pinapakyaw ng mga exporter.

Kung hindi ako nagkakamali, noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay naglaan ito ng P1.75-B para palaguin ito.

Maganda rin daw ang itinatakbo ngayon ng clinical trial ng VCO o Virgin Coconut Oil bilang potensiyal na panlaban sa COVID-19.

Sa bandang Mindanao at iba pang parte ng bansa, hindi pinababayaan ng administrasyong Duterte ang coconut farmer-members.

Katunayan, nag-donate ang Department of Agriculture (DA) ng dalawang trucks para sa Sarangani Vegetables Seed Growers Multi-Purpose Cooperative (SAVESEGROW-MPC) upang mapabilis ang kanilang hauling services.

Sinasabing ang donasyon ay parte ng P23-million sub-project na natanggap ng Malungon-based cooperative mula sa Philippine Rural Development Project-Investment in Rural Enterprise Agri-fishery Project (PRDP I-REAP).

Base sa proyekto, ang 100 percent ng unhusked coconuts na produced ng mga magsasaka ay bibilhin ng kooperatiba at ang 96 percent ay ibebenta naman sa Century Pacific Agricultural Ventures Inc. sa General Santos City. Ang nalalabing 4 percent ay gagawing white copra.

Kilala ang niyog na isang high value crop at dahil sa mga truck ay aangat at bibilis ang kanilang value chain.

Kapag nagkataon, siyempre, lalaki rin ang kita ng mga magsasaka.

Kaliwa’t kanang papuri naman ang inabot mula sa DA-Region 12 office ng Sarangani Provincial Government dahil sa pagkakaapruba ng apat nitong World Bank PRDP I-REAP projects.

Tunay na maganda ang hinaharap ng bansa kung mapagtutuunan ng pansin ang mga niyog.

Ang problema, alam kaya ng DA at ng gobyerno na namamakyaw rin ang mga negosyante para gawing coco lumber ang mga niyog?

Maganda sana kung pagkatapos putulin ay papalitan nila pero hindi naman sila nagtatanim ng kapalit.

At sa totoo lang, higit pa sa pamiminsala ng mga pesteng cocolisap sa niyog ang ginagawa ng mga ito.

5 thoughts on “ANG NIYOG BILANG ‘TREE OF LIFE’”

  1. 946363 493910I discovered your blog site internet site on the internet and appearance some of your early posts. Continue to maintain within the wonderful operate. I just now additional increase your Rss to my MSN News Reader. Seeking toward reading far far more from you finding out at a later date! 514215

  2. 235596 253803Hello there! I could have sworn Ive been to this weblog before but soon after reading via some with the post I realized it is new to me. Anyhow, Im definitely pleased I located it and Ill be book-marking and checking back regularly! 654507

Comments are closed.