ANG OKTUBRE AY NATIONAL INDIGENOUS PEOPLES MONTH

(Pagpapatuloy)
ANG BUONG buwan ng Oktubre ay siksik ng iba’t ibang aktibidad, kasama ang mga ICCs/IPs at iba pang stakeholders, kabilang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mga IP organizations, Local Government Units (LGUs), at ang pribadong sektor sa buong bansa.

Layon ng mga aktibidad na ito ang lalo pang pagkilala, pagprotekta, at pagsulong ng karapatan at kapakanan ng mga ICCs/IPs.

Kabilang sa mga kaganapan at aktibidad ang mga sumusunod: Information, Education, and Communication (IEC) campaigns, Cultural Sensitivity orientations, inter-agency field visitations, tree planting activities, capacity-building workshops, festivals, celebrations, webinars, medical and wellness missions, cultural dance performances and presentations, barefoot challenge, photo exhibit, trade fairs, indigenous games, assistance and equipment turnovers, conferences, poster-slogan contests, artists’ assemblies, suporta para sa Dayaw 2023, courtesy visits, at thanksgiving program. Isang fellowship dinner naman kasama ang mga dating chairpersons, commissioners, at executive directors ng NCIP, at iba pang panauhin, ay isasagawa upang ipagdiwang ang ika-26 taon ng IPRA.

Dagdag pa sa mga ito ay ang dalawang fashion shows na pinamagatang Gayak 2: Dahon Fashion Show at Kislap 2: Lakbay Hibla. Itinatampok ng Dahon Fashion Show ang mga obra ng designer na si JM Ganuan, na gumamit ng mga dahon bilang pangunahing materyales. Ito ay magaganap sa ika-27 ng Oktubre 2023 sa Estancia Mall, Capitol Commons, Pasig City. Sa ika-29 naman ng Oktubre 2023, ang Kislap 2: Lakbay Hibla ay ilulunsad sa Eastwood Richmonde Hotel. Tampok dito ang iba’t-ibang uri ng mga katutubong tela sa Pilipinas.

Inaanyayahan ng NCIP ang publiko, sa ngalan ng mga ICCs/IPs sa buong bansa, upang makilahok at sumuporta sa selebrasyon ng 2023 IP Month at ika-26 na komemorasyon ng IPRA.