ANG OKTUBRE AY PARA SA MGA KATUTUBO

NGAYONG  buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang sa bansa ang National Indigenous Peoples Month, ayon sa Presidential Proclamation No. 1906, s. 2009. Ang tema para sa taong ito ng 2021 ay “Karunungan ng mga Katutubong Pamayanan: Limang Daang Taon ng Pagtatanggol at Pagpapayabong, Ipagpatuloy sa Pangalawang Dekada ng Katutubong Edukasyon”.

Iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at mga organisasyong humaharap sa mga isyung may kinalaman sa mga katutubo ay naghahanda ng mga programa para sa buwang ito. Mahalagang matutunan natin ang mayamang kaalaman, karunungan, at kultura ng mga katutubo upang mapangalagaan natin ito—lalo na ang kanilang identidad o pagkakakilanlan.

Mahalaga ring malaman natin ang kanilang kasaysayan pati na ang kanilang kalagayan at ang mga isyung kinakaharap ng iba’t-ibang mga katutubong grupo at mga pangkat etniko sa PIlipinas upang ating lubos na maunawaan ang mga ito at makapagbigay tayo ng naaayong suporta sa kanila.

Kulang ang representasyon ng mga katutubo sa mahahalagang usapin ng bansa. Nawawala o nababago rin ang kanilang tunay na kasaysayan at kalagayan kaya’t importante ang maingat na pag-aaral at pag-alam nating lahat tungkol sa mga isyu at sitwasyon. Bukod pa rito, may saysay ang pagtulong sa pagbabahagi ng tamang impormasyon kaugnay sa kanila. Makinig at mag-aral—ito marahil ay isa sa pinakamahalagang kontribusyon natin sa IP (indigenous peoples) community bilang mga Pilipino.

Ngayong panahon ng pandemya, sila man ay dumadaan din sa krisis at kahirapan. Kaya’t makakatulong din ang pagpapahatid ng materyal na tulong sa mga komunidad na nangangailangan.

Siguruhin lamang natin na dadaan ito sa mga lehitimong organisasyon upang tiyak na makarating sa kinauukulan ang ating ipapaabot na tulong.

285 thoughts on “ANG OKTUBRE AY PARA SA MGA KATUTUBO”

  1. Pingback: 3scheduling
  2. Prescription Drug Information, Interactions & Side. What side effects can this medication cause?
    buy ivermectin nz
    Drugs information sheet. п»їMedicament prescribing information.

Comments are closed.