ANG ONE HOSPITAL COMMAND CENTER

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

ISANG 60 years old na lalaki, nahihirapan humi­nga; isang sanggol, nagtatae, mahina ang pag-iyak; buntis na malapit na manganak – ilan ito sa mga senar­yo na ating nadidinig o nakikita ngayong pandemya na nahihirapang maghanap ng hospital na tatanggap sa kanila.

Matagal na natin nararanasan ang mga ganitong sitwasyon kung saan ang mga pasyente ay nag hospital hopping or paikot ikot sa lugar upang makahanap lang ng hospital kung saan sila ma-admit. Maaaring dahil sa dami ng pas­yente o kakulangan ng kama o sa ibang kadahilanan.

Nuong Hulyo ng nakaraang taon, binuo ang konseptong naglalayon na tumugon sa pangangailangan ng komunidad na makahanap ng naaayong facility para ma-admit. Sa pamumuno ng treatment czar, Undersecretary Leopoldo “Bong” Vega at suporta ng Department of Health at ng National Task Force (NTF) Against CO­VID-19, nabuo ang One Hospital Command Cen­ter (OHCC).

Nagsimula ang OHCC sa Sports Complex ng Metropolitan Manila Development Authori­ty (MMDA). Kasama ang mga volunteers and staff ng MMDA, Base and Conversation and Development Authority (BCDA) at Department of Tou­rism (DOT), nagkaroon ng mas organisadong proseso sa pagresponde sa mga COVID-19 cases at pagtanggap ng pas­yente sa mga facility. Sa kasalukuyan, lumipat na ang OHCC sa isang hall ng Philippine International Convention Cen­ter (PICC).

Paano macontact ang OHCC? Maraming pa­raan upang ma-contact ang OHCC. Una, sa mga hotline 09157777777, 09199773333, 028650500 or DOH COVID hotline 1555. Maaari din gamitin ang PureForce Citizen app na pwede idownload ng libre para makapag report. Isa rin sa plano ng OHCC ang magkaron ng single hotline para mas mabilis matawagan ng mamamayan.

Ilan sa mga serbisyo na pwedeng ma-facilitate ng OHCC ay maghanap ng facility para sa isolation/quarantine, RT-PCR test, hospital admission, ambulance request, at financial assistance requests katulong ang malasakit cen­ter. Katulong din ng mga iba’t ibang go­vernment agencies at units, sinusubukan ng OHCC na matugunan ang medical needs ng pasyente.

Isa din serbisyo na available sa OHCC ay ang teleconsultation. Kasama ang mga doctors galing sa ilan sa mga DOH retained hospitals, inilunsad ang program nuong June 2021. Sa kasalukuyan, maaaring mag avail ng teleconsultation servi­ces mula 8am hanggang 5pm.

Patuloy ang pag-improve ng serbisyo sa OHCC sa pamamagitan ng pag-hire ng mas mada­ming coordinators at pag establish ng mga Regional OHCC, at magmo­dernize ng teknolohiya. Makikisuguro ang lahat na ang layunin ng OHCC ay mananatiling para sa serbisyo sa ating bansa. Ngayong Aug 06, 2021, ang OHCC ay nagcecelebrate ng 1st year anniversary simula ng official inauguration. Isang pagpupugay para sa inyong kabayanihan at tulong sa ating bansa upang matapos na ang pan­demyang ito.

5 thoughts on “ANG ONE HOSPITAL COMMAND CENTER”

  1. 689760 439796The planet are in fact secret by having temperate garden which are normally beautiful, rrncluding a jungle that is undoubtedly certainly profligate featuring so a lot of systems by way of example the game courses, golf procedure and in addition private pools. Hotel reviews 984539

  2. 940081 546286I dont feel Ive scan anything like this before. So good to uncover somebody with some original thoughts on this topic. thank for starting this up. This internet site is something that is needed on the internet, someone with slightly originality. Excellent job for bringing something new to the internet! 520383

Comments are closed.