ANG ONLINE LEARNING AT ANG COMPUTER VISION SYNDROME

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

DAHIL sa sakit na CoVid-19, ang ating gubyerno ay nagkaroon ng polisiya na ihinto muna ang Face To Face Class at palitan ito ng Online Class. Ang kadalasang pag-gamit ng laptops, tablets at cellphone, at ang tagal ng demand ng oras para sa mga estudyante upang gamitin ito dahil na din sa kanilang mga klase, ay maaring mag sanhi ng isang condition na tinatawag na Computer Vision Syndrome (CVS) or Digital Eye Strain.

Ang ating mga mata ay nakakapag-perform ng kanyang functions ngunit ito ay may limitation lamang. Ang pagbabasa sa isang libro ay magkaiba sa pag babasa gamit ang ating mga gadgets, ang contrast at ilaw ng screen ng ating mga gadgets, kasama na rin ang hindi masyadong defined na letra ng ating mga binabasa gamit ang ating mga gadgets ay nakakapag bigay ng mataas na “Visual Effort Demands” sa ating mga mata upang ma-perform ang kanyang functions, dahil dito ang ating mga mata ay madaling napapagod. Dagdag pa dito, ang ating katawan ay nag-cocompensate or nag aadjust, sa pamamagitan ng paglapit ng ating mga mata sa screen ng ating mga gadgets, at pag babago ng position ng a­ting pag-upo kahit na ito ay isa ng maling postura. Ang maling postura ng ating katawan ay ang nagsasanhi ng pananakit ng ating mga muscles na kaakibat ng CVS. Ang “Uncorrected Vision” tulad ng Farsightedness, at Astigmatism ay maaring mag-pataas ng risk upang ang isang tao ay magkaroon ng CVS.

Ang extent ng nararamdaman ng isang taong mayroong CVS ay depende sa tagal ng paggamit at pagbabasa gamit ang kanilang mga Laptops, Tablets at Cellphone. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Pagluluha

Dry eyes

Masakit na batok

Pagsakit ng muscles sa likod

Masakit na ulo

Paglabo or pag blurred ng paningin

Maaring maiwasan ang CVS sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. Ipahinga ang mata ng 20 seconds every 20 minutes ng tuloy tuloy na pagbabasa at itingin ito sa malayosa pamamagitan nito ang mata ay makakapag refocus at makakapagpahinga ang mga muscles nito.
  2. Ipikit ng madalas ang mga mata- ito ay para ma replenish ang ating luha na nag proprotect sa ating mga mata at para na din maiwasan ang Dry Eyes Syndrome.
  3. Tamang posture ng pag upo- ang mga paa ay dapat nakalapat ng maigi sa sahig, ang mga braso ay maytamang pag-sasandalan, ang ating likod ay nakalapat ng maigi sa upuan. Ang sentro ng computer screen ay dapat nasa 15 degrees below the eye level at 20 inches na malayo sa ating mga mata.
  4. Gumamit ng Screen Filters at gumamit ng sapat na background lighting, iwasan ang patayin ang ilaw ng inyong kwarto at ang nakabukas lamang ay ang screen ng inyong Computers or Tablets.
  5. Gumamit ng Prescription Lenses na recommended ng inyong Optometrist at Opthalmologist, ang mga salamin na ito ay specific lamang habang nag babasa gamit ang ang inyong Laptops or Tablets. Ang Ordinaryong salamin ay hindi sapat upang mabawasan ang risk na magkaroon ng CVS.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa samuelzacate @yahoo.com o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem- 995570940634331/ – Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.