Ang pagguho ng pader ng Jericho

DAHIL  nalalapit na ang Semana Santa, mag-feature tayo ng kasaysayang may kinalaman sa Biblia. Isa sa mga paborito ko sa Lumang Tipan ay tungkol sa Walls of Jericho. Ang pader ng Jericho ay 750-ektaryang natural area na nakapalibot sa 8,943-ektaryang Bear Hollow Mountain Wildlife Management Area (WMA), na umaabot sa Skyline WMA ng Alabama. Kung pagsasamahin ang public lands sa Tennessee at Alabama, aabot ito ng 21,453 ektarya.

Sa kasaysayan, bumagsak ang matibay na pader ng Jericho. Bakit? Ituloy natin ang kwento.

Sa loob ng ani na araw, si Joshua at ang kanyang grupo ay nagmartsa paikot sa nasabing siyudad habang hinihipan ang kanilang trumpetang gawa sa sungay ng lalaking tupa. Sa ikapitong araw, bumagsak ang matibay na pader.

Sinunog ng mga Israelitas ag siyudad. Sa pagdaan ng panahon, sinabi ng mga siyentipiko na malakas na lindol ang nagpabagsak sa mga pader.

Malaki ang papel ng pader ng Jericho sa Kristyanismo. Ito ang nagsisilbing kanlungan ng kasamaan, lalo na sa kasalukuyang kultura natin. Kung titingnan, hindi ito kayang buwagin, ngunit kung kinaya ng grupo ni Joshua, kaya rin natin kung magkakaisa. Kayang igupo ng pananampalataya ang kasamaan, sa tulong ng kapangyarihan ng Diyos.

Sa pagguho ng pader sa Jericho, ipinaaalala sa ating tutupdin ng Diyos ang kanyang mga pangako, tulad ng pagtupad niya sa promised land ng mga Israelitas, kahit gaano pa ito katagal. Sa tamang panahon.

Dahong 1400 BC nang gumuho ang pader ng Jericho ayon sa kasaysayang natala. Tinatawag na ito ngayong Tell es-Sultan, at sumailalim na rin sa napakaraming archaeological excavations upag imbestigahan ang nasabing Biblical story. Noong panahong iyon, ang pader ay nagsisilbing kulungan at division ba kailangang wasakin. Gayunman, pwede rin namang proteksyon na nagbibigay ng seguridad, at lugar kung saan ka nabibilang.

Iniutos ng Diyos sa pitong pari na buwagin ang pader sa pamamagitan lamang ng pag-ihip sa trumpeta, habang nagpuprusisyon sa pangunguna ng Ark of the Covenant, kasunod ang mga Israelitas. Pinalilibutan nila ang Jericho isang beses isang araw sa loob ng anim na araw, hanggang sa gumuho nan ga ito sa ikapitong araw. Ito ang unang bayang pinabagsak ng mga Israelitas matapos nilang tawirin ang ilog ng Jordan.

Ang Hebrew name ng Jericho ay Yeriẖo, galing sa salitang Canaanite na reaẖ (mabango), o sa isa pang salitang Canaanite na Yareakh (buwan). Pwede rin namang sa pangalan ng kanilang diyosa ng buwan na si Yarikh, na sinasamba ng mga taga-Jericho. Ito ang pinakamatanda at pinakamababang bayan sa buong mundo, na matatagpuan sa berdeng oasis sa talampas ng Jordan, malapit sa Ilog ng Jordan, sa Dead Sea, at Jerusalem.

Napakahalagang masakop muna ang Jericho bago masakop ang Canaan dahil ito ay isang walled city sa bukas a talampas, na pinaninirahan ng mga bisyoso at bayolenteng Amorites. Kaya naman nagpadala ng dalawang espiya si Joshua upang makakuha ng sapat na impormasyon.

Personal na binisita ni Jesus ang Jericho nang magtungo siya sa Jerusalem, bago siya ipinako sa krus.

Samantala, matapos gumuho ang pader ng Jericho, apat na buwang nag-fasting at nagdasal si Nehemiah bago hiniling sa Hari na pabalikin siya sa kanyang bayan upang muling itayo ang mga gumuhong pader. Kahit maraming tumutol sa kanyang nais, matagumpay na muli niyang naitayo ang mga pader.

Layon ng nasabing pader na suportahan ang mga bubong, sahig at kisame ng mga gusali, bigyang proyeksyon ang bayan sa mga mananakop, at bigyan ang mga tao ng tahanan at seguridad. Ang pader ay sumisimbulo sa proteksyon, seguridad sa pisikal, sosyal at ekonomiya. Sa iba, simbulo din ito ng katatagan ng emosyon.

Sa ngayon, nagsisilbi na lamang itong tourist attraction dahil hindi na kailangan ng siyudad ang proteksyon. Ngunit kahit ano pa ang mangyari, ang kasaysayan ay naisulat na at hindi na maaari pang mabago.