ANG PAGPUPUYAT AT EPEKTO NITO SA ATING IMMUNE SYSTEM

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

SA panahon ng COVID-19 at ngayong papasok na ang tag-ulan, talamak ang mga impeksyon viral or bacterial. Sa mga ganitong panahon ang ating immune system ang ating kasangga upang tayo ay hindi mahawaan ng ano mang sakit na maaring makapagdulot sa atin ng kabawasan ng oras sa trabaho or pag-aaral. Ang isang healthy lifestyle tulad ng pagkain ng wasto, pag eehersisyo at pagtulog ng wasto at tama sa oras ay nakakapag-pataas ng ating Immune response. Ang Artikulo na ito ay tatalakay sa epekto ng tama at wastong pagtulog sa ating immune system.

Ayon sa American Academy of Sleep Medicine and Sleep Research Society, ang mga sanggol 4 months to 12 months ay nangangailangan ng 12 to 16 hours sa loob ng isang araw, ang mga 1 year to 2 years old naman ay nangangailangan ng 11 to 14 hours ng tulog sa isang araw, sa kabilang banda ang mga 3 to 5 years old na mga bata ay kailangan ng 10 to 13 hours of sleep kada araw, ang mga 6 to 12 years old ay 9 to 12 hours kada araw, ang 13 to 18 years old ay 8 to 10 hours kada araw na tulog ang kailangan, at ang 18 to 60 years old naman ay nangangailangan ng 7 hours to 9 hours kada araw. Ang oras ng pagtulog naman ay maaring maimpluwensyahan ng maraming bagay katulad ng trabaho at mga bagay na nakakabahala sa isang tao, ngunit ayon sa isang pag aaral ang pinaka best time ng pagtulog ng isang tao ay tuwing sasapit ang 9pm to 11pm ng gabi. Ang pagpupuyat ay mayroong epekto sa ating Circadian Rhythm na kalaunan ay maaring makaimpluwensya sa ating mga hormones na maaring magdulot ng sakit sa isang tao.

Ang pagtulog ay mayroong direktang epekto sa ating Immune System. Habang tayo ay natutulog ang ating katawan ay naglalabas ng “Cytokines”. Ang Cytokines ay isang mahalagang component ng ating immune system na nag-aactivate ng ating mga immune cells kapag tayo ay na-expose sa isang infection. Ang pagtulog ng tama ay nakakataas ng bilang at function ng ating “T Cells”. Ang T Cells ay isang uri ng Immune cells na lumalaban sa mga Virus na umaatake sa ating mga cells, ito ay mahalagang protection at panlaban sa mga sakit tulad ng Flu, Herpes at marami pang Viruses.

Ilan sa mga tips kung paano mapaganda at maging consistent ang inyong pagtulog ay ang mga sumusunod:

1. Iwasan ang pagkain ng sobrang dami bago matulog, at iwasan uminom ng kape bago matulog.

2. Iwasan ang pag-inom ng Beer or alak bago matulog sapagkat ito ay nakakadisrupt ng normal sleeping pattern at ito ay cause ng palagian pag-ihi at pagbangon habang natutulog.

3. Ilayo ang gadget tulad ng celphone, laptop at tablet upang hindi maistorbo at makapag concentrate sa pagtulog.

4. Iwasan ang paninigarilyo bago matulog, ito ay nakakapagpabilis ng tibok ng puso na maaring makasagabal sa pagtulog.

5. Mag ehersisyo regularly, ang exercise ay sanhi ng paglabas “endorphins” sa ating katawan na nagbibigay ng relax na pakiramdam.

6. Maging consistent sa oras ng pagtulog upang ang ating katawan ay masanay.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link ( Log in to Facebook) – Dr Samuel A Zacate

9 thoughts on “ANG PAGPUPUYAT AT EPEKTO NITO SA ATING IMMUNE SYSTEM”

  1. 334309 565970Average In turn sends provides could be the frequent systems that offer the opportunity for ones how does a person pick-up biological, overdue drivers, what 1 mechanically increases the business. Search Engine Marketing 653115

  2. 465408 685345The certain New york Diet can be an highly affordable and versatile eating greater tool built for time expecting to loose fat along with naturally maintain a healthful everyday life. la weight loss 966416

Comments are closed.