ANG PANAGINIP

MASAlamin

SABIHIN na lang na­ting may isang panagi­nip. May tatlong taong naulinigan kong pinag-uusapan ang aking kasama, hindi ma-ganda ang mga salitang namumutawi sa kani-kanilang mga bibig. Hindi ko naawat ang aking kasama, sinita ng kasamang maestro ang tatlong taong siya mismo ang pinag-uusapan. Aalmahan siya ng tatlo kaya buong agap na akin siyang ipinakilala. Kumalma ang tatlo. Nakilala siya.

Umalis kami ng maestro, kasama ang isang musa. Sumakay kami ng bus papunta sa isang destinasyon. Nakatayo lamang kaming tatlo sa bus. Maya-maya napansin naming hindi na kumikilos ang bus, mabigat na ang trapiko. Nagdesisyon kaming bumaba ng bus, naglakad na lamang kami ng maestro kasama ang musa. Alam ng maestro ang daan patungo sa pupuntahan. Alam niya kung papaano makakaiwas sa mabigat na trapiko sa pamamagitan ng aming mga paa. Umiwas kami sa matinding pila ng mga sasakyan sa pamamagitan ng paglalakad.

Sabihin na lang natin na ang tatlong tao ay tatlong taong ispekulasyon at pagprotekta sa naipundar na kaya nakilala, kaya nang sambitin ang ngalan niya ay kumalma. Ito ay nangyari sa kalye lamang, ang pag-uusap ng tatlong tao, ang pagkompronta, sa kalye lamang na kung tutuusin ay kung saan mismo rin nagsimula ang unang pag-usbong ni maestro, sa kalye ng siyudad, sa kalye ng oportunidad. Kumalma ang tatlo na ipinagpalagay na tatlong taon, humupa sa pagkakadepensa, sa tatlong taong marami ang na­ging usap-usapan sa naipundar na hindi nagustuhan ng maestro kaya kanyang minabuting lapitan ang tatlo at komprontahin.

Kailangang bumalik kung saan nagmula, kung saan umusbong ang pag-ibig ng maestro, kung saan inihulma ang isang pusong pumalaot sa masalimuot na mundo ng mga siyudad.

Kung saan may gumagawa ng mabigat na trapiko, kung saan nalimutan yata ang iti­nuturo ng mga unibersidad na mga siste-mang tutulong sa pag-usad ng pamayanan. Kung saan nakasakay ang maestro, musa at ako. Kung saan bumaba kami upang gamitin ang aming mga paa, mga paang ginamit din sa pagsisimula ng pag-usbong, pagyabong at pagpupundar na sa bandang huli ng pa-rabola ay aatakihin ng espekulasyon ng tatlong tao na ipinagpalagay na tatlong taon.

Bumaba kaming tatlo mula sa bus na hindi makagalaw sa trapiko ng mga nagra-rally, sa trapiko ng isang sistemang nakalimot na sa mga sistemang magpapadaloy sana rito.

Kami ay nagsimulang maglakad ng may galak dahil alam ng maestro ang daan, dahil sa paglalakad din na yaon siya nagsimula, sa paglalakad tutuntunin ang pinagmulan. Masaya ang bawat hakbang, may ngiti sa labi ang maestro, nakatuon ang musa na kasabay naming naglalakad.

Kilala niya ang mga kalye papunta sa pinanggalingan,  nasasambit niya ang orihinal na mga pangalan, ang mga pangalan na bago pa man pinalitan ang mga ito ng mga pangalan na isinunod sa ngalan ng mga politiko, sa pangalan na matatagpuan sa mga textbook ng kasaysayan. Bukod sa mga orihinal na pangalan ng mga kalye, maging ang katauhan ng puno ng nagra-rally ay kanyang si-nusundo pa noon ng palihim mula sa pinagmulan din nito sa mga panahon ng simulain. Hindi umuusad ang bus at mga sasakyan sa kalye na pawang mga pinalitan na lamang ang pangalan at nagpalala pa sa trapiko ang sanga ng puno na nakatungkod sa daraanan

Hindi iyon alintana ng aming paglalakad, ni maestro na halos sayaw ang mga paghakbang dahil sa saya ng pagtungo, sa pamamagitan ng pinagmulang paglalakad papunta sa ngalan at yakap ng pinag-usbu­ngan.

Comments are closed.