ANG PANDEMYA AT OMICRON: ANG MALALAKING BANTA SA PAMBANSANG SEGURIDAD NG BANSA

MARIING ipinaaabot ni presidential aspirant Norberto B. Gonzales, dating kalihim ng Department of National Defense (DND) na ang Covid- 19 virus at ang pinakabago nitong variant, ang Omicron, at ang mga susunod pa ditong mutations ang mga tunay na banta sa seguridad ng bansa.

Sa totoo lang, sila ang dapat ituring na pinakamalaking mga banta sa seguridad ng buong bayan.

Ang tingin ng marami sa ating mga kababayan, ang national security ay pagtatangol ng ating bansa, ng ating mga kalupaaan, katubigan at teritoryo. Tama rin naman. Ngunit ayon kay Gonzales, ang national security, sakop ang lahat ng aspeto ng buhay. Seguridad ng ating pagkain. Seguridad ng ating mga kalusugan. Seguridad ng ating mga trabaho at hanapbuhay. Pati na ang seguridad ng ating mga senior citizens, mga guro, sundalo, magsasaka at mangingisda, mga empleyado at ang mga negosyante.

Nakita at naranasan ng buong Pilipinas kung paanong naapektuhan ng pandemic ang seguridad nating lahat. Ang halaga ng nabuwis na buhay ay ni hindi natin malalagyan ng presyo.

Nakataya ang buhay ng mgamamayan at ng buong bansa sa kung paano hinaharap at inaalagaan ng pamahalaan ang ating mga pangangailangan sa panahon ng pandemya.

Dahil dumating na nga ang omicron virus sa atin, tumalon ang mga kaso ng mayroong Covid.

Mas lumuwag na kasi sa paglabas ng mga tao nang marami nang nabakunahan. Isang dahilan din kung paano nakalusot ang Omicron virus carriers sa bayan natin, tuloy ay nakahawa ng marami.

Nakakagalit din na umiral na naman ang kurapsyon na naging daan para ang iba ay makatakas sa mandatory quarantine, at tuloy manghawa ng marami.

Kabit-kabit at sunod-sunod na ang mga epekto ng pagpasok ng Omicron:nagkaubusan ng mga gamot sa mga botika. Nanganganib ang mga supply ng pagkain. May alert levels na nagdadala ng pangamba sa taong bayan, at mga limitasyon sa pagbiyahe ng tao at paghakot at hatid ng mga pagkain at iba pang kailangan. Apektado ang trabaho, lalo na ang negosyo. Habang pumuputok ang mga kaso ng tinamaan ng Covid—tuloy, napakabigat ng pinapasan ng ating health care system—malapit nang bumigay.

Ngunit ang sagot ng pambansang liderato sa pandemya ay kulang na kulang.

Dapat sana, atakihin ang pandemya gamit ang tamang pananaw o perspective: na ang pandemya ay dapat ituring na banta sa seguridad ng bansa.

Halata na hindi bihasa ang liderato ngayon sa mga kaalaman at gawain na kailangan upang mapangalagaan ang national security ng bansa. At sa mga susunod na uupo, dapat ang mapili, ay ang may kakayahan, galing, at karanasan na hinubog ng pagsisilbi sa ganyang kapasidad.