ANG PAULIT ULIT NA MAKIROT NA PAA AT ANG SAKIT NA PLANTAR FASCIITIS

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

ANG ating mga paa ang maituturing na pinaka naabusong parte ng ating katawan. Ito ang sumasalo ng a­ting bigat, ang malimit ma expose sa dumi, at ang prone sa friction, kaya naman kapag ito ay sumakit, apektado ang lahat ng ating activities maski ang ating mga trabaho. Ang pagsakit ng a­ting heels or sakong sa unang tapak ng ating mga paa paggising sa umaga at lumulubha kapag tayo ay matagal na nananatiling nakatayo, ay ilan sa mga simtomas ng sakit na “Plantar Fasciitis”

Ang Plantar Fasciitis ay isang sakit na nag mumula sa pamamaga ng ating Plantar Fascia sa ating mga paa. Ang Plantar fascia na ito ay ligament na nagkokonekta ng ating sakong sa harapan ng ating mga paa.  Ang Plantar Fascia ay nagsisilbing “Shock Absorber” at sumusuporta sa ating paglakad at pagtakbo. Dahil sa constant pressure, bigat ng ating katawan at isama na din ang “wear and tear”, ang fascia na ito ay nag ka-karoon ng maliliit na punit or “Microtears”, at ito ay maaring pagsimulan ng pamamaga. Ang typical na area na sumasakit sa ating mga paa dahil sa sakit na Plantar Fasciitis ay ang part ng ating sakong or heels at pati na din ang gitnang bahagi ng ating talampakan.

Ilan sa mga risk factors ng sakit na ito ay pagiging overweight or obesity, edad 40 hanggang 70, pagbubuntis dahil sa pagtaas ng timbang, mga trabaho na nangangailangan ng madalas na pagtayo, at pagkakaroon ng High Arch Feet or pagiging “Flat Footed” samahan ng paggamit ng sapatos na hindi angkop sa klase ng paa na mayroon ka.

Ang kirot na galing sa sakit na ito ay maaring mawala sa pamamagitan ng pag inom ng analgesics at paggamit ng warm compress. Ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagbawas ng timbang, intermittent rest periods ng ating mga paa, pagsuot ng tama at comfortable na sapatos base sa klase ng ating mga paa.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link ( https:// www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem-995570940634331/)-Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.