ANG PINOY NGAYON…

PINOY NGAYON

HINDI naghihirap ang Filipino. Sadya lang talagang mayroon pa rin sa ating mga kababayan ang negatibong mag-isip. Pero iilan na lamang sila, dahil sa panahon ngayon ay mas maraming Pinoy ang masisipag at nakapag-iipon, nagnenegosyo kahit pa mayroong ­“full-time” na trabaho at nakapag-e-enjoy dahil napangangalagaan nang mabuti ang kanilang income.

NAG-IIPON.

Marami na sigurong nakaintindi at natuto sa kuwento nina “Langgam at Tipaklong” dahil halos 50% o mahigit 33 mil­yong Pinoy ang ­mayroong ipon, ayon sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang iba, bukod sa nag-iipon sa bangko, nakapag-i-invest din sa ilang financial institutions, sa stocks o kahit sa “piggy bank” na kailan lamang ay naging viral sa social media dahil sa kanilang mga pa­kulo kung paano makapag-ipon.

Sa panayam ng PILIPINO Mirror kay Mr. Ritchie Horario, Wealth Planner, qualifying member ng Million Dollar Round Table (MDRT) ng Pru Life UK, at isa ring professor ng state university, mahalagang nakapag-iipon o nag-iinvest para na-paghahandaan ang mga pangangaila­ngan sa hinaharap.

“Halimbawa na lang, kung ang financial goal ay makapagtayo ng maliit na negos­yo sa susunod na limang taon­, ang tanong, paano mo ito matutupad? Hindi ba’t mas mabuting pag-ipunan ito at kung duma­ting na ang tamang panahon, mayroon kang magagamit na kapital sa iyong negosyo,” pahayag ni Mr. Horario.

Aniya pa, “hindi sapat ang pag-iipon dahil maliit lamang ang interest nito. Dapat mas mabuting i-invest ang salapi para sa mas mala­king tubo o interes. Maghanap ng investment instrument na makapagbibi­gay ng na mala­king tubo ng iyong pera.”

“Isa sa magandang investment instrument ay ang varia­ble unit link (VUL) dahil kombinasyon ito ng investment at life insurance. Habang ang pera ay naka-invest sa bonds o equities, (depende sa iyong kagustuhan) ay may insurance bene­fit ka pang matatanggap sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay katulad ng aksidente, malubhang karamdaman o disabi­lity,” payo pa ni Mr. Horario.

Sinasabing ito na ang ­pinaka-“wais” na pamamaraan ng pag-iipon sa panahon ngayon dahil bukod sa proteksiyon sa buhay, pinoprotekta­han pa nito ang iyong income o kaya sa bangko, basta ang maha­laga ay mayroon kang naiipon.

Puwede rin sa stocks mag-invest pero kailangang nakatutok ka rito dahil sa pabago-bagong lagay ng ekonomiya na mayroong epekto sa negos­yo kung saan naka-­invest ang iyong pera.

NAGNENEGOSYO.

Samantalahin natin ang pagkakataon habang mayroon pa tayong kinikita bilang empleyado o nagnenegosyo. Makabubuti pa rin na pagplanuhan nang maigi ang ating kinabukasan para sa mas maginhawa at maunlad na pamumuhay.

“Habang tayo ay kumi­kita, mas mabuting magsubi o magtabi tayo ng ilang porsi­yento, i-invest natin ito upang lumago pa at mas malaking halaga ang magagamit natin sa mga pa­ngangailangan sa hinaharap,” payo naman ni Mr. Horario sa mga working class na nag-iisip ­magnegosyo.

Marami na ring mapagkakakitaan sa panahon nga­yon. Nariyan ang online sel­ling (or reselling) at franchising; mayroon ding mga tinatawag na “angel financial hub” na nagbibigay pondo sa isang entrepreneur na may magandang plano sa negosyo; mayroon ding mga programa at serbisyo ang mga bangko sa micro, small, medium enterprise (MSME) katulad ng isang “May Pera sa Basu­rang Tagumpay” na kuwento ni Mang Junel M. Abarquez, borrower ng Ro­binsons Bank ­Microfinance Super Loan ng Bayan na naitampok sa PILIPINO Mirror noong July 10, 2018.

Mayroon ding magandang ini-o-offer sa MSME sector ang Asia United Bank na maba­basa sa AskUrBanker with Kuya Mark na maba­basa rin sa pahayagang ito, ang mga produkto at serbisyo ng bangko na maaari mong pag-ukulan ng pansin sa iyong pangangailangang pinansiyal.

Maaari ring magnegosyo na hindi kailangan ng mala­king kapital. Marami na ang umasenso dahil sa simpleng lugawan o tapsilogan na business. Kailangan lang ang sipag at tiyaga sa ginagawa. Kahit ang talentong mayroon tayo ay puwede ring magamit para pagkakitaan. Halimbawa, kung marunong ka sa “calligraphy” o lette­ring, marami ang gustong kumuha sa ganitong serbisyo.

Ang talent mo naman bilang graphic artist / designer, maaari kang magkaroon ng extra income dahil may ilang mga kompanya o indibidwal na nagpapagawa ng lay-out o disenyo para sa kaniyang negos­yo o produkto.

Sa madaling salita, sa panahon ngayon, tamang paggamit lamang ng oras, lakas at talento ang kailangan na may kaakibat na disiplina sa pana­nalapi ay tiyakin na hindi ka maghihirap.

NAG-I-ENJOY!

Ang mga naunang nabanggit ay may kinalaman sa tamang paggamit o pagkita ng salapi. Importante pa rin ang tinatawag na “work-life balance” at hindi kailangan na naka­tuon lang tayo sa trabaho o negosyo.

Yes, Mag-enjoy! Naka­wawala ng stress ang pagbabakasyon dahil nakapagbibigay ito ng kasi­yahan sa atin lalo na kung mayroon kang ­nakikitang iba’t ibang lugar na gusto mong puntahan.

“Kung masaya ka, mas nagiging produktibo ka sa iyong gina­gawa. Kung stressed ka sa buhay, asahan mong makaaapekto ito sa iyong trabaho o negosyo. Dapat may panahon din tayo sa ating sarili, pamilya, kaibigan at higit sa lahat, sa Panginoon na Siyang dapat na­ting gabay sa lahat ng ating ginagawa,” panghu­ling pahayag ni Mr. Horario.

“YOLO – – You Only Live Once” ‘ika nga. Kaya dapat samantalahin ang pagkaka­taong maka­pag-enjoy habang kaya pa.

Dahil ang ­Pinoy ngayon, dapat “Nag-iipon, Nagne­negosyo, at Nag-i-enjoy! Cris Galit

 

SI Mr. Ritchie Horario, Wealth ­Planner, qualifying member ng Million Dollar Round Table (MDRT) ng Pru Life UK

Comments are closed.