ANG SAKIT NA OSTEOARTHRITIS

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

ANG Osteoarthritis ay isang sakit sa ating mga joints na nagbibigay ng mga simtomas at nakakaapekto sa ating pang araw-araw na gawain. Ayon sa datos ng pag-aaral na ginawa nuong January 2008 to May 2011, ang mga simtomas ay lumalabas sa edad na 59 years old at na-didiagnose sa edad na 63. Ang mga babae ay naapektuhan ng tatlong beses kumpara sa mga lalake (www.pubmed.gov) Ang karaniwang joints na naapektuhan nito ay ang ating tuhod, ngunit maari din nitong maapektuhan ang mga daliri sa kamay, ang ating Spine, at ang ating Hip joints.

Upang maintindihan ang sakit na Osteoarthritis kailangan muna nating malaman ang istruktura ng ating mga joints at ang normal na functions nito. Ang ating mga joints ay isang structure kung saan ang dalawang dulo ng ating mga buto ay nagsasalubong, ang dulo ng ating mga buto ay mayroong soft structure na kung tawagin ay “Cartilage”, at sa pagitan nito ay mayroong fluid na tinatawag na “Synovial Fluid” na nagsisilbing lubricant at “shock absorber” upang ang dalawang dulo ng cartilage ay hindi magkiskisan at mag-dikit. Ang tawag sa Joint na may ganitong uri ng mekanismo ay “Synovial Joint”.

Sa sakit na Osteoarthritis, ang cartilage sa nasabing Synovial Joint ay nagkakaroon ng mabilis na degradation and remodelling, dahil sa mabilis na turnover, imbis na soft bone or cartilage ang ma-proproduce, ito ay napapalitan ng bony structures. Ang space sa pagitan ng dalawang buto ay eventually nawawala, kasama na din ang pagbaba ng Synovial Fluid production na nag lulubricate dito. Dahil nabawasan na ang space sa pagitan ng dalawang buto, ito ay prone na magkiskisan na nag-reresulta sa inflammation or pamamaga. Ang karaniwang manifestation ng sakit na Osteoarthritis ay ang masakit, namamaga, at hindi maigalaw na joints. Sa ating mga kamay, ang pagkawala ng space sa joints ng mga daliri ay nagbibigay ng Hallmark na itsura na tinatawag na Heberden’s Node (sa distal interphalangeal joint), at Bouchard’s Node (sa middle interphalangeal joint). Ayon sa pag-aaral, ang Osteoarthritis na natatagpuan sa kamay ay karaniwan na sa mga babae, ito ay “Familial” na ang ibig sabihin ito ay maaring mamana ng mga babae sa generations ng apektadong tao.

Ang sakit na Osteoarthritis ay multifactorial in origin, na ang ibig sabihin ay hindi ito ma-aattribute sa iisang sanhi lamang, kasi ito ay combination ng maraming factors. Ilan sa mga factors na ito ay Labis na katabaan, repetitive stress na sanhi ng labis na paggamit ng joints, advancing age, at Female Gender (dahil sa Hormonal Changes during menopause na nakakapagpabawas sa density ng mga buto). Ang sakit na ito ay nadidiagnose sa pamamagitan ng routine History and Physical Examination at X-ray. Ang pamamaga at sakit na dulot nito ay nawawala sa pamamagitan ng pag-inom ng Pain relievers, pag-pahinga ng apektadong joints, and warm compress.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem-995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate

18 thoughts on “ANG SAKIT NA OSTEOARTHRITIS”

Comments are closed.