ANG SAKIT NA SPINAL STENOSIS

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

SA ating artikulo nga­yon isa nanaman pong katanungan ang ating tutugunan mula sa isa nating tagapagtangkilik na aking natanggap mula sa ating fanpage sa Facebook na “Medicus Et Legem”

Dear Dr Zacate

Good aftie (Afternoon) po ulit. Nagpunta na po ako sa orthopedic surgeon kanina, tapos ang recommendation po ay mag MRI ako, Ang diagnose po kc ng Doctor ay baka merong nerve na naiipit sa lower back. Possible din po ba na luslos ito at nakakaapekto sa pananakit ng ibat ibang parte nang paa? May history po kc ako nung bata ako na luslos, nakalimutan ko lng po sabihin kanina kay doc. – Mr Basilio

o0o

Mr Basilio,

Ang iyong luslos nung ikaw ay bata ay walang kinalaman sa pananakit ng iyong paa, ang luslos ay sanhi ng weakness or defor­mity sa iyong abdominal wall muscles at ito ay nawawala lamang sa pamamagitan ng pag-repair nito sa pamamagitan ng isang surgical operation. Sa iyong sakit sa paa (at maari din itong magkaroon ng kaakibat na sakit sa likod), ako po ay sumasang ayon na ikaw ay sumailalim sa isang MRI or Magnetic Resonance Ima­ging upang malaman kung mayroong naipit na ugat na maaring ma­ging dahilan ng pananakit ng iyong mga paa. Kung mapatunayan na ito sa MRI, ang sakit na ito ay tinatawag na “SPINAL STENOSIS”

Tungkol sa sakit na Spinal Stenosis, tayo ay kumonsulta sa isang magaling na Emergency Room Specialist at isa ring Physical Therapist na si Dr Bernadett Velasco, at ito ang kanyang tugon.

“Maraming kadahilanan kung bakit sumasakit ang likod ng isang tao. Isa sa mga ito ay ang tinatawag na Spinal Stenosis. Ang ating spinal o vertebral column ay binubuo ng 33 na buto na patong patong. Ang vertebral column ay tinatawag din na backbone or spine. Sa gitna naman ng vertebral column ay matatagpuan ang ating spinal cord. Upang makapaghatid ng “signal” sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng mga muscles at skin, lumalabas ang mga maliliit na ugat na tinatawag na spinal nerves sa gilid ng vertebral co­lumn. Kung ang butas sa vertebral column ay lumiit ang tawag dito ay Spinal Stenosis, maaring maipit ang spinal nerve o spinal cord. Ang presentasyon ng spinal stenosis sa isang tao ay magdedepende sa maapektuhan na spinal nerve o cord. May tinatawag tayo na cervical stenosis, kung saan ang naapektuhan ay ang bandang leeg ng vertebral column. Ilan sa mga simptomas nito ay pagkahina at pagwala ng pakiramdan ng braso at kamay at pagsakit ng leeg. Kung ang naapektuhan naman ay ang bandang bewang ng spinal column, na tinatawag na lumbar stenosis, maaari itong mag manifest ng panghihina at pagwala ng pakiramdan ng isang paa at binti. Maaari ding sumakit ang likod ng taong may spinal stenosis. May pagkakataon na biglang kinukuryente ang binti or braso ng isang tao kung naipit ang nerve. Kung ikaw ay nakakaramdan ng mga simptomas ng spinal stenosis, maiging magkonsulta sa doktor. Makakatulong din ang pag inum ng pain reliever. Ang inyong doktor ay maaaring mag request ng X-ray or MRI procedure. Magkakaiba ang paggamot ng spinal stenosis. Ito ay magdedepende sa dahilan ng pagkaron ng stenosis. Pwede itong maib­san sa pamamagitan ng Physical Therapy session, Operasyon or Pag inject ng steroid (Depende sa Recommendation ng inyong Orthopedic Surgeon). Makakatulong din ang proper body mechanics, pagbawas ng timbang, ehersisyo na magpapalakas sa muscles ng likod, at hot compress sa bahaging masakit sa likod.”

o0o

Nawa kami ay naka­tulong sa iyo Mr Basilio at Maraming Salamat sa iyong pagbabasa ng ating column.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook.- Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.