Pangkaraniwan ng tanong at issue ang sakit na “Tulo” sa isang tao, sapagkat ito ay maaring magdulot ng kahihiyan or embarrassment sa sino mang dadapuan nito. Ang sakit na tulo ay isang sakit sa “Genito-Urinary Tract” ng isang tao. Magkaiba ang manifestation nito sa lalake at sa babae. Ito po ang ating tatalakayin.
Ang sakit na “Tulo” na kilala sa tawag na Gonorrhea ay isang Sexually Transmitted Disease na nakukuha sa pakikipagtalik (genital, anal, at maski na din ng oral na pakikipagtalik). Ito ay sanhi ng isang bacteria na Neisseria gonorrhoeae. Ang sakit na gonorrhea ay maaring isang Asymptomatic presentation or yung mga taong nag-haharbor ng bacteria ngunit walang nararamdaman na simtomas pero maari silang makahawa ng iba, at meron din naman yung mayroong manifestations ng sakit or Symptomatic. Ang bacteria na Neisseria gonorrhoeae ay maaring manlinlang ang ating immune system upang hindi tayo magkaroon ng immunity laban dito, nangyayari ito sa pamamagitan ng mga mutations. Ilan sa abilidad ng bacteria na ito ay ang magkaron ng “Antigenic Variations” at “Phase Variations”, ito ay nag-reresulta ng pagkakaiba ng mga structural components ng bacteria para ma-evade ang ating immune system.
Sa mga symptomatic na pasyenteng lalake ang common na manifestation ng sakit na gonorrhea ay ang pagkakaroon ng mabahong nana sa dinadaanan ng ihi sa ari ng lalake, ito ay tinatawag na “Urethritis” na ang ibig sabihin ay pamamaga ng daanan ng ihi (Urethra). Bukod sa nana, maari din makaramdam ang isang lalake ng pagkahirap sa pag ihi, kapag ito ay hindi nagamot, maari itong maging sanhi ng peklat (Scarring) sa urethra na nagdudulot ng paulit-ulit na kahirapan sa pagihi. Bukod sa Urethritis maari ding maapektuhan ang ibang organs tulad ng testicles, prostate at epidydimis.
Sa mga kababaihan, ang manifestation ng sakit na Tulo ay ang kahirapan sa pag-ihi, at mabahong discharge sa kanilang Vagina. Sa mga babae, mayroon ding asymptomatic na pasyente na hindi nag-mamanifest ng mabahong discharge. Ang complication ng isang Tulo sa babae ay ang tinatawag na “Pelvic Inflammatory Disease” or PID. Ang PID ay sanhi ng pag-akyat ng infection sa taas papuntang “Pelvic Peritoneum” kung saan naroon ang “Reproductive Organs” ng isang babae. Kapag naapektuhan ang Fallopian Tube gawa ng PID ito ay maaring maging sanhi ng Infertility.
Ang sakit na Tulo ay maaring magamot lamang sa pamamagitan ng Antibacterial na binibigay ng isang Doctor. Ang mga nakasanayan na ginagawa nating Filipino kapag nagkatulo katulad ng pag inom ng juice ng Buko, at pag inom ng mga herbal medicine na walang kasamang Antibiotics na nireseta ng isang Doctor ay hindi ko imumungkahi, sapagkat ito ay maaring magdulot ng kapahamakan sa isang tao. Ilan sa mga Preventive Measures upang maiwasan ang sakit na ito ay ang mga sumusunod:
1. Maging Loyal sa ating mga kasintahan at Asawa at huwag makipagtalik sa iba
2. Gumamit ng Condom sa pakikipagtalik
3. Magpakonsulta sa isang Doctor kapag mayroong maramdaman na simtomas.
Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem-995570940634331/)-Dr Samuel A Zacate
Comments are closed.