ANG SARAP NA MAGING GOV’T EMPLOYEES!

edwin eusebio

Maraming Trabaho ang ngayon ay naghihintay…

Para sa mga Mamamayan na walang HanapBuhay.

Ang Gobyerno ay bukas at handang Magbigay

Pagkakakitaan at trabahong sa Mamamayan ay Alay.

 

Itinuturo ng mga Namumuno sa Pribadong Sektor,

Ang Gobyerno ngayon ay malaking Jobs Generator.

Bukod sa umento at mga benepisyong Pabor…

Mga Government employee sa Sahod nila ay Enjoy.

 

Aminado ang ECOP o Employers’ Confederations of the Philippines…

Hirap silang sumabay ngayon sa Government’s Benefits.

Mataas na umento ang kaloob sa mga ­Employee…

May kasama pang Premiums at Bonuses.

 

Ani ECOP Acting President Sergio Ortiz-Luiz

Hindi nila kakayanin ang Benepisyo sa mga employee,

Kaya nga mas makabubuting bumaling sa gov’t service

Ang mga Job Seeker sa Pamahalaan ay mala­king Chances.

 

Una rito ay ipinagmalaki ng Department of Budget ang savings na kay laki…

Mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na nagbago na kasi…

Nalinis sa katiwalian kaya nakapagtipid at nakapagsubi

Magagamit ito ngayon sa Bonuses at dagdag na Employees.

 

Hindi raw bababa sa Bente Singko Mil ang umento ng mga kawani ..

Saan mang Tanggapan ng Pamahalaan sila Magawi.

Bukod pa rito ang Cash Gifts at Year End Bonuses

Kaya nakaeengganyong sa gobyerno ay Mag-service.

 



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.