ANG SEKTOR NG PAGMAMANUPAKTURA SA BANSA

MAHALAGA ang papel na ginagampanan ng sektor na ito sa pagbangong muli ng ating ekonomiya.

Bawat taon, ang mga stakeholder sa loob ng sektor ng pagmamanupaktura ay nagtitipon upang pag-usapan at busisiin ang mga kaganapan sa industriya at pag-aralan ang mga isyu at kung paano haharapin o tutugunan ang mga ito.

Ang Manufacturing Summit 2022 ay gaganapin online sa ilalim ng temang ito: Shaping the Future of Philippine Industries: The Road to Resiliency through Innovation. Maaaring mag-register via https://bit.ly/mfgsummit2022 upang maka-attend ng online Summit. Puwede rin namang panoorin ang livestream ng event sa fb.com/DTI.CIG sa ika-21 ng Hunyo mula 9:00 n.u. hanggang 4:00n.h.

Kabilang sa mga paksang tatalakayin ay ang mga sumusunod: Economic Reforms for National Resiliency; Electric Vehicle Industry Development Act; Restructuring Fiscal Incentives; Science, Techno­logy & Innovation (STI) and Advanced Manufacturing Policies, Digital Transformation and Future Skills Requirements, at STI-centered i3S (Inclusive Innovation Industrial Strategy).

Ang Pilipinas ay nasa landas ng industriyalisasyon at digitalisasyon. Susuriin sa Manufacturing Summit ang mga tagumpay natin sa larangang ito, pati na rin ang mga kaugnay na polisiyang ipinatutupad ngayon. Sa pagtatapos ng administrasyong Duterte, bibigyang-pansin ng mga kalahok sa Summit ang mga nagawa sa huling anim na taon at pag-uusapan kung paano gagamitin ang teknolohiya upang makabuo ng mas matibay at maunlad na mga industriya.

Hinihikayat ang mga magsisisali na magbahagi ng kanilang mga ideya kung paano palalaguin ang sektor habang ipinatutupad ang mga batas at istratehiyang naaangkop sa industriya ng pagmamanupaktura sa bansa.