ANG Metro Pacific Investments Foundation (MPIF), ang corporate social responsibility arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), ay may isang programa na tumututok sa pagtulong na panatilihin at protektahan ang ating kalikasan. Ito ay ang ‘Shore It Up!’ (SIU). Ang nasabing programa ay ginawa upang makatulong sa mga komunidad na nasa mga baybayin ng ating kapuluan upang magturo at magpaliwanag tungkol sa kahalagahan ng kanilang kapaligiran at kalikasan. Nagbibigay ang SIU ng mga programang pangkabuhayan, proteksiyon ng ating mga bakawan (mangroves) at pati na ang yamang dagat. Nasa ika-12 taon na ang SIU at humakot na ang nasabing programa ng MPIC ng ilang gawad dahil sa kanilang adbokasiya sa proteksiyon ng kalikasan.
Patuloy ang kanilang kampanya sa pag-aalaga ng ating kalikasan kasangga ang mga lokal na gobyerno. Lumalabas na mas epektibo ang ganitong pamamaraan dahil ang mga local government units (LGU) ang makakasabi at makapagtuturo sa kanilang lugar sa mga mahalagang pangangailangan upang mabiyayaan ng programa ng SIU.
Sa pagpasok ng taong 2020, ang SIU ay nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Marinduque. Nais nilang magtulungan upang iangat ang kaalaman ng kanilang mga mamamayan sa kanilang probinsiya tungkol sa kahalagahaan ng ating kalikasan at yamang dagat o marine biodi-versity.
Napili ng SIU ang Marinduque bilang kabalikat sa kanilang adbokasiya dahil nga ang nasabing lalawigan ay isang isla na sentro ng marine biodiver-sity.
Nagpirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) ang MPIC at lalawigan ng Marinduque nitong linggo na pinangunahan ni Congressman Lord Allan Jay Velasco at para naman sa MPIC nandoon ang kanilang chairman na si Manuel V. Pangilinan. Batay sa kanilang ugnayan gagawa sila ng mga impraestruktura para sa marine protection, inspection and conservation guardians at implementasyon underwater at coastal clean-ups. Pangungunahan din ng SIU ang isang programa para sa proteksiyon ng mahigit na dalawang libong ektarya ng bakawan o mangroves.
Sinabi ni MPIC Chairman Manny Pangilinan na masaya siya sa nangyari. “I am pleased that we have institutionalized collaboration among our member companies with different stakeholders from government, academe and civil society to rapidly respond to socio-economic issues of our country, as well as to proactively support activities towards community development”.
Bilang tugon naman ni Marinduque Congressman Lord Velasco, naghayag siya ng galak at pasasalamat sa pagpili ng kanilang lalawigan upang matulungan ng programang SIU. “The province of Marinduque is very much pleased that the MVP group decided to implement their MPIC Guardians Program here in our island, so that our bantay dagats can serve with authority as better stewards of our seas to heighten the protection and conservation efforts in our province.”
Comments are closed.