MARAMI sa mga tumatakbo sa posisyong nasyunal ay nag-aakalang ang kampanya ay tungkol sa pagbibigay ng magandang ta-lumpati, pakikipagkamay sa mga tao at Facebook. Malaking pagkakamali po iyan.
Halimbawa ay sa mga tumatakbo sa pagka-senador sa Filipinas, kahit anong ganda ng plataporma at akma ng isyung ipinaglala-ban ay anong silbi kung ang makaririnig ay ilang libo lamang na nasa kanilang inorganisang rally? Makakamayan ba ng isang kan-didato ang 17 milyong Filipino sa loob lamang ng itinakdang panahon ng Comelec upang mangampanya? Ilang milyong ‘likes’ ang kinakailangan ng isang kandidato sa Facebook upang manalo?
Marami sa mga kandidato ang bukambibig ang salitang ‘awareness’. Ngunit sa totoo lamang, ang awareness po ay unang bay-tang lamang sa isang kampanya, kahit pa nga magkaroon ang isang kandidato ng 100% awareness ay hindi nangangahulugan ng panalo. Hindi po awareness ang dapat na bukambibig ng mga kandadito sa mga panahong ito na ilang linggo na lamang ay halalan na, kundi ‘perception’ po.
Maraming kandidato sa mga nakaraang eleksiyon ang gumastos ng bilyon-bilyong piso o daan-daang milyong piso mula simula ng kampanya hanggang araw ng eleksiyon na hindi naintindihan na nagtatapon lamang sila ng pera, dahil ang dapat na nakamit nila ay favorable public perception. Sinayang lamang ang pera, sana ay ipinamigay na lamang sa mga mahihirap at hindi na tumakbo, nakatulong pa sa ating mga kamasa.
Ano ang silbi ng tunog ng pangalan kung walang karampatang mahalagang kahulugan para sa mga botante? ‘Yan po ang per-ception na maaaring positibo o negatibo. Ang positive perception po ang nagiging boto at hindi ang awareness. Inuulit ko, ang awareness ay unang baytang pa lamang sa daan ng kampanya upang manalo, ngunit hindi po iyan ang nagpapanalo. Hindi rin sapat ang magandang intensiyon lamang para manalo sa halalan.
Marami nga ang nananalong kandidato na masama ang intensiyon dahil naiintindihan nila na ukol sa favorable public perception ang laro ng politika.
Hindi rin sapat na may basta public perception lamang ang isang kandidato, dapat ay may ‘positive’ perception.
Kaya huwag ka na ring magtaka, kamasa, kung bakit may mga kandidatong may negative public perception na tumatakbo nga-yon sa pagka-senador, marami po ‘yan, hindi po umaasang mananalo ang mga ‘yan. Maitatanong ninyo, mga kamasa, kung bakit pa nga ba sila tumatakbo, e alam naman pala nilang sila’y matatalo?
Tumatakbo po ang mga ‘yan, mga kamasa, hindi para manalo kundi para ‘labhan’ ang mga salaping ninakaw nila sa pamahalaan o ang mga salaping mula sa kasamaan. Kaya para sa ating mga botante na naniniwala akong may mga angking talino na, dahil ilang eleksiyon na rin naman silang naloloko, ay maging mas higit na mapanuri na sa mga politikong ito.
Sa mga tumatakbo namang may tunay na magandang hangarin at makatuturang isinusulong na reporma para sa bayan, ang payo ko po ay inyong trabahuhin ang positive public perception, tandaan na at least 17 milyon ang kinakailangang boto upang manalo sa pagka-senador, hindi ‘yan maiaasa sa Facebook lang, o magandang talumpati sa mga rally o pakikipagkamay sa mga tao. Mas lalong higit po sa mga ‘yan ang kinakailangang isinasagawa na po ninyo, sa ilang linggong itinakdang panahon upang mangampanya.
Comments are closed.