POLPOL na politiko ang nagsasabing kontra sa mahihirap ang kampanya ng gobyerno laban sa pakalat-kalat sa lansangan.
Kung ‘di man sila polpol, Suki, ay sinasadya nilang linlangin ang lahi ni Juan…
… Na ang tanging puntirya ni Boss Digong sa pagwalis ng mga kriminal o pasaway sa gilid ng kalye ay ang sektor ng maralita.
Kasi alam naman nilang may pinaghugutan ang utos ng pangulo sa anti-tambay campaign.
Ang SWS survey na nagsabing nangangarap ang madlang pipol sa maayos na komunidad.
Partikular ang mga gilid ng kalsadang dinaraanan araw-araw ng kanilang mga anak sa pag-alis at pag-uwi galing sa iskul.
O, ng mga kapamilyang ginagabi sa kanilang pag-uwi galing sa trabaho.
Ang survey, Suki, ay nagsasabing natatakot ang lahi ni Juan sa mga kriminal sa lansangan.
Nangangamba ang mga magulang sa kaligtasan ng kanilang kapamilya, lalo na sa tinatawag na “street crimes.”
Kunsabagay, Suki, papaano maging mahinahon ang isang inay o itay kung kanilang nakikita ang mga nakahubad na tambay na naglalasingan sa daraanan ng kanilang dalagita?
Kaya’y papaano maging mapayapa ang mga residente sa isang komunidad kung sa gilid ng kalye na dikit sa kanilang tahanan ay may mga tambay na pa-morningan ang videoke?
Tanong sa nagpapapansing politikong tulad ni Bam Aquino: Pabor ba kayo sa ganito?
oOo
Suki, ang bira ng mga tontong politiko ay tanging mahihirap ang puntirya ni Boss Digong sa kanyang anti-tambay campaign.
Bakit hindi raw gawing panlahatan, derpor sa lugar din ng mayayaman.
‘Yan ang rason, Suki, kung bakit ko sinasabing polpol ang sinumang nagsasabi na tanging ang mahihirap lang ang nalalambat ng kapulisan.
Naman, naman, Suki! Sentido komun lang.
Natural lang na walang tambay na nakahubad sa mga tabing-kalye. Mali ba ako, Suki?
Kasi sa mga shopping mall sila nagpapalipas ng oras, kaya’y sa iba’t ibang resorts o casino.
Kasi nga sila’y may pera, kasi mayaman sila.
At ‘pag sila’y naghubad ay sa swimming pool ng malalaking hotel, o resorts. May pera, eh!
O sa loob ng mga motel. Ha-ha-ha!
Comments are closed.