Taong 1997 nang magsimula ang Wellcome Global Trading Corporation na ang pangunahing produkto ay mga undergarment na pangkalalakihan tulad ng NYC, ALL AMERICAN at EXCEL.
Dahil na rin sa kinakitaan ng magandang potensiyal, 2006 nang ilunsad nito ang mas mataas na kalidad na brand na COTTON CLUB na nakasentro pa rin sa iba’t ibang disenyo ng undergarments, mula boxershorts, t-shirt, sando at brief.
Ang 100% cotton na medyas para sa sapatos na pang-disente, pang-sports, pang-estudyante at pang-simpleng okasyon ang pinaka-latest sa hanay ng mga produkto nito.
“Quality First, Customer First” ang sinusundang gabay ng Cotton Club sa paghahatid ng fashionable design na swak sa badyet ng mga konsyumer.
Kabilang sa mga kilalang artista na naging endorser ng Cotton Club apparel sina Aljur Abrenica, Jayson Abalos at Victor Basa.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 100 outlets sa iba’t ibang department stores sa buong Filipinas ang Cotton Club.
Ang Wellcome Global Trading Corporation ay isa sa mga nangungunang distributor ng towel, kurtina, panyo, punda, bed sheets at iba pang gamit sa bahay.
Comments are closed.