ANGARA BAGONG PANGULO NG LDP

SEN-SONNY-ANGARA

HINIRANG si Senador Sonny Angara bilang bagong Pangulo ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), ang political party na itinatag ng kanyang yumaong amang si dating Senate President Edgardo Angara noong 1988.

Ayon kay Angara, bilang partido ay magsisilbing oportunidad para maipagpatuloy nito ang sinimulan ng kanyang ama na nagsilbing inspirasyon sa bansa tungo sa pagbabago.

“Sa totoo nga, dapat magsilbing inspirasyon ang aking ama para patuloy nating isulong ang mga mahahalagang reporma,” ani Angara sa kanyang mga kapartido sa ginanap na  organizational meeting and fellowship dinner sa Manila Golf and Country Club.

Tinukoy ng senador na kabilang sa mga reporma ay ang pagpapalawak ng access sa edukasyon, mas magandang oportu­nidad sa trabaho, universal health care, at universal social pension para sa senior citizens.

Layon ng nasabing mga reporma na suportahan ang bawat miyembro ng pamilya.

“Iilan lang ito sa mga panukalang reporma na dapat nating isulong bilang isang partido. At mapapansin n’yo na lahat ito ay nakatuon sa pagbibigay ng ayuda o suporta sa bawat myembro ng pamilyang Pilipino—mula kay bunso hanggang kay lolo at lola,” giit ni Angara.  VICKY CERVALES

Comments are closed.