Photo from Senate Public Relations and Information Bureau
Kinumpirma ng Commission on Appointments nitong Miyerkoles ang ad interim appointment ni Sonny Angara bilang bagong Department of Education Secretary.
Opisyal na idineklara ni Senate President at CA Chairperson Francis Escudero ang kumpirmasyon ni Angara bilang DepEd Secretary matapos ang mosyon ni CA Majority Floor Leader Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. sa plenary session.
Ipinahayag ni CA Education Committee Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang kanyang buong suporta sa kumpirmasyon ni Angara.
“With these reasons not even meaning to mention the Secretary’s academic achievements, awards, and public service work, I know that Sec. Sonny will be more than capable of leading the country to a better future, to the students that he will take under his wing,” ani Tulfo.
Samantala, sinabi ni Escudero na hindi ito ang unang pagkakataon na mabilis ang kumpirmasyon ng appointment.
“Para sa akin, dapat at tama lamang iyon bilang kortesiya sa kanya. Hindi ito ang unang pagkakataon nagawa, ginawa, ginagawa ito by tradition sa mga dating miyembro, hindi lamang ng Senado pero ng Kamara,” ayon kay Escudero.
LIZA SORIANO