NAGBITIW na si incoming Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara bilang senador kasunod ng turnover ng DepEd Secretary position sa kanya nitong Huwebes.
Sa kanyang liham kay Senate President Chiz Escudero, sinabi ni Angara na ang kanyang pagbibitiw ay magkakabisa sa Hulyo 18, 2024, kaugnay ng kanyang pagkakatalaga bilang bagong hepe ng DepEd.
“The portfolio that I will be taking on as DepEd Secretary is riddled with very serious challenges,” aniya.
“But I am confident that with your support and of the rest of my colleagues at the Senate, these challenges are surmountable,” dagdag pa ni Angara.
Itinurnover ni Vice President Sara Duterte ang puwesto kay Angara nito Huwebes sa DepEd Central Office, kung saan ibinigay ang seal at flag sa dating senador.
Sa turnover, sinabi ni Angara na gagawin niya ang lahat para mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
“Gagawin natin ang lahat para makamit ang mga pagbabago at reporma na naayon sa mga layunin ng isang Bagong Pilipinas,” sinabi ni Angara.
Nauna nang sinabi ni Angara na manunumpa siya bilang bagong Education chief sa Hulyo 19.
LIZA SORIANO