NAGPOSITIBO na naman sa COVID-19 si Senador Sonny Angara, isang buwan matapos siyang magnegatibo na sa naturang sakit.
Ayon kay Angara, dalawang ulit siyang sinuri noong nakaraang buwan at lumabas na wala nang virus sa kaniyang katawan.
Kaya nagulat ang senador nang muli siyang suriin ay nagpositibo ito sa nasabing sakit.
Nabatid na kinailangan ng senador na muling mag-test para makapag-donate sana ng blood plasma na gagamitin sa iba pang pasyente ng COVID-19.
Dahil sa naturang development, sinuri na rin ang kaniyang pamilya para matiyak na ligtas ang mga ito sa naturang virus.
Gayunpaman, nakauwi na si Angara noong Abril at nakasama ang pamilya matapos payagan ng kaniyang doktor.
Hinala ng senador, remnant ng COVID-19 ang na-detect sa pinakahuling test na ginawa sa kaniya. VICKY CERVALES
Comments are closed.