ANGARA SINABING POSITIVE DEVOPLEMENT ANG RBH 7 NG KAMARA

IKINATUWA  ni Senador Sonny Angara ang paghahain ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 sa House of Representatives, na nagmumungkahi ng mga pagbabago sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Sinabi ni Angara na ang naturang hakbang ay isang positive development.

Ang senador ay isa sa mga may-akda ng RBH No. 6, ang katapat ng RBH No. 7.

“Nauna kami sa totoo lang. So that’s good. Sa akin, positive ang pag-file ng RBH7,” ani Angara.

“Maganda ‘yun dahil imbes na magbangayan, mag-daily press conference na tinitira lang ang Senado, mas okay na magka-hearing na sila dito sa RBH7 at talagang pag-usapan,” dagdag pa niya.

“Sila naman, ang maganda sa mga congressman, they are in their own districts. So puwede nilang konsultahin ang mga distrito nila.”

Kasalukuyang tinatalakay sa Senado ang pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas partikula na ang Artikulo XII, XIV, at XVI, na paksa ng RBH No. 6. LIZA SORIANO