Tiniyak ng mga opisyal at kawani ng Department of Education ang pakikipagtulungan kay Senador Juan Edgardo Angara bilang kahalili ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay DepEd Usec Michael Poa, tanggap nila ang appointment ng Pangulong Ferdinand Jr. kay Angara bilang education chief.
Sinabi ni Poa ang pakikipagtulungan ng DepEd community sa bagong liderato at maipagpatuloy ang pagpapaigting sa kalidad ng edukasyon.
Samantala, naglabas naman ng pamantayan o parameters ang Department of Education National Employees Union (DepEd-NEU) na dapat isaalang-alang ng bagong pamunuan ng Kagawaran.
Kabilang dito ang Non-Politicized Leadership; paggalang sa Public Sector Unionism: pagpapatuloy ng Beneficial Programs; pagsusulong ng kultura ng kapayapaan; at Commitment to Transparency and Good Governance.
Ayon Kay Atty Domingo Alidon, ang President ng Department of Education National Employees Union (DepEd-NEU) na layon ng mga nasabing guidelines na makatiyak na ang bagong liderato ng DepEd ay nakapokus sa stability, continuity at sa best interests ng education community.
Elma Morales